MIYUKI POV
Lunes na ngayon at pasakun na naman. Papunta na ko ngayon sa classroom namin. Kasama ko sina Leizy, Devi, Jansen, Iris at Angel na si Henna pa rin ang pinag-uusapan nila. Simula nang bumalik si Henna nung sabado ng gabi ay ang laki ng ipinagbago niya. Hindi niya ako kinakausap kapag kinakausap ko siya. Tititigan niya lang ako ng masama na para bang isa akong kaaway para sa kanya. Ang mga mata niya, masyadong nakakatakot.
Maaga na naman siyang umalis kahapon at gabi na naman siya bumalik at kanina nga ang aga na naman niyang umalis. Hindi ko nga alam kung kumakain pa ba yun, hindi ko naman kasi siya nakikita sa cafeteria.
"Nasaan na ba si Henna? Di ko pa rin nakikita."
"Oo nga."
Tanong ni Iris at Jansen.
Since hindi namin sila karoommate silang tatlo nila Leizy kaya hindi nila alam yung nangyari sa kwarto namin nung sabado ng gabi. Nagkibit balikat na lang ako tutal hindi ko rin naman alam kung nasaan siya.
Nakarating kami sa classroom namin na si Henna ang pinag-uusapan nila.
"Oo si Henna ang isa sa killers."
"Muntik na niya talagang mapatay si Althea."
"Bwisit siya. Sinasabi ko na nga ba na isa siya sa killers. Papatayin niya pa talaga ako sa harap ng mga karoommate namin ha?"
Kahit nung nakaupo na kami sa mga upuan namin ay si Henna pa rin ang pinag-uusapan nila.
"Totoo ba yan Althea baka gumagawa ka lang ng kwento." Tanong ni Dwight.
"Bakit naman ako gagawa ng kwento? Itanong mo pa kila Miyuki eh. Diba Miyuki?" Nabaling naman ang tingin ng mga kaklase ko sa akin.
"Ha?" Kunyare hindi ko narinig yung sinabi niya kahit rinig na rinig ko naman talaga.
Tinarayan lang ako ni Althea.
"Oo nga pala kaibigan mo yung killer na yun. Malamang naman ipagtatakpan mo pa siya." Sabi ni Althea.
"Pwede ba tumahimik ka na Althea." Sigaw ni Angel sa likuran namin.
"Ohh Angel nagpapakahero ka na naman? Kitang kita mo naman yung ginawa sa akin ni Henna diba? O dahil kaibigan mo siya kaya pagtatakpan mo rin siya? O baka naman isa ka rin sa killers, kayong magkakaibigan?" Sunod sunod na sinabi niya.
Mabilis namang tumayo si Angel at sinugod si Althea.
"Ako nagtitimpi na ko sayo ha?" Sabi ni Angel palapit kay Althea pero bigla rin namang humarang si Hiro kay Angel.
"Ano ba? Umalis ka nga dyan." Sigaw ni Angel.
"Ikaw ang umalis." Matigas na sagot ni Hiro kay Angel.
"Napakapikon mo naman Angel. Bakit totoo ba na isa ka sa mga killers?" Dugtong pa ni Hiro.
"Eh baliw ka pala eh. Hindi ako napipikon. Pinagtatanggol ko lang si Henna dahil inaakusahan siya. Bakit may proweba ba sila?"
Nanonood at nakikinig lang kami sa palitan na sigawan nila Hiro at Angel. Mula first year kami, hindi na talaga nagkasundo yung dalawang yan. Habang si Althea naman ay tuwang tuwa dahil malamang nilalabanan ni Hiro si Angel na para bang pinagtatanggol ni Hiro si Althea na barkada niya.
"Bakit? Akala mo ba kung sino ka ring gwapo?"
"Sinabi ko bang gwapo ako? Ang sabi ko ang panget ng ugali mo kasing panget mo. Bobo ka pa."
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Mystery / ThrillerHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...