SOMEONE POV
Hindi ko na maatim ang mga ginagawa ni Jansen kaya ako na mismo ang gumawa ng dahilan para tumigil na rin siya sa kabaliwan na ginagawa niya. Tsk! Bakit ba ako sumusunod sa kanya kung alam ko naman na papatayin niya rin naman ako. Hindi ako tanga para sumunod pa sa mga iuutos niya.
Hawak hawak ko sa bisig ko ang katawan ni Jansen, pinagmamasdan lang ang napakaraming dugo niya na umaagos sa tagiliran at sa dibdib niya.
Napatay ko ba siya?
Pinakinggan ko ang dibdib niya, napangisi ako dahil akalain mo yun? Buhay pa pala siya. Sinulyapan ko si Henna, wala na rin siyang malay habang nakatali pa rin ang dalawang kamay niya sa may maliit na bintana na meron dito sa maliit na kwartong ito. Umaagos rin ang mga dugo niya sa dibdib niya at sa balikat niya at mukhang buhay pa naman siya. Muli, napatingin ako kay Jansen, alam ko naman kung bakit niya to ginagawa kay Henna. Ganito rin ang ginawa niya noon kay Tomoyo. Iniisip ko kung sino ba ang dapat na iligtas ko sa kanilang dalawa. Kung ililigtas ko si Henna, posible na patayin niya rin ako dahil kasama ako sa nagpahirap sa kanya rito. Pero kung si Jansen naman ang ililigtas ko, magagawa niya rin akong patayin dahil tinraydor ko siya. Iisa lang ang dapat na gawin ko.
Pareho ko na lang silang hahayaang mamatay.
Binitawan ko si Jansen at hinila ko siya papalapit kay Henna. Itinali ko rin ang mga kamay niya sa may bintana pati na rin ang mga paa niya ay itinali ko rin. Tumayo ako sa harapan nilang dalawa pagkatapos kong itali si Jansen. Hindi ko mapigilan ang kasiyahan ko habang nakikita ko ang pag-agos ng napakaraming dugo nila sa mga sugat na natapo nila.
Maya maya lang rin ay mamamatay na rin naman kayo.
Nang natapos ko na silang titigan at wala naman na akong gagawin sa kwartong ito ay hinubad ko na ang suot suot kong uniporme. Punong puno na kasi ng dugo ang uniporme ko. Hinubad ko ang palda ko at ang blouse ko, may pamatong akong damit at short sa loob ng uniporme ko kaya naman makakalabas ako rito ng walang makakahalata kung ano ba ang ginawa ko. Pinunasan ko ang mga binti at braso ko gamit ng palda ko dahil nagkaroon din iyon ng dugo. Itinapon ko ang uniporme ko sa basurahan na nandito at mabilis na akong naglakad papalabas ng kwartong ito.
Pagkabukas ko ng pinto ay madilim, lumabas na ako. Makipot na daan ang tinatahak ko ngayon at sa pinakadulo nito ay may isa na namang pinto. Dahan dahan rin akong lumabas sa ikalawang pinto. Konting espasyo lang dahil sa likod ng isang pinto ay ang napakahabang bookshelf. Hinawi ko pakaliwa ang bookshelf at nagkaroon na ng liwanag at nang lagusan para makalabas ako. Pagkalabas ko ay mabilis ko ring ibinalik sa tamang ayos ang bookshelf.
Oo nasa silid aralan ako, sa lumang silid aralan na nandito sa dormitoryo namin. May sekretong lagusan dito sa loob ng silid aralan na to papunta sa kwarto na pinanggalingan ko kanina. Dito namin itinago si Henna.
*BOGSH*
Mabilis akong napalingon sa kanan ko nang may marinig ako na may nalaglag mula roon.
*BOGSH*
Ang tunog na yun ay naulit pa kaya naman mabilis akong naglakad papunta roon. Nang pagliko ko sa isang bookshelf ay dalawang libro ang nakita ko na nasa lapag na. Napakunot noo ako kung papaano nalaglag yung dalawang libro na yun. Hindi pa naman ako nakakalapit sa dalawang libro na yun ay may nakakakiliti akong naramdaman sa paanan ko.
"Kyaaaaah~"
Malakas na sigaw ko at nagtatatakbo ako. Bwisit! Pambihirang mga daga yan. Sa sobrang lumang luma na nitong silid aralan na to at hindi pa nililinisan kaya nagkakaroon na ng mga daga. Bwisit!
Naglakad na ako patungo sa pintuan palabas sa silid aralan na ito. Pagkabukas ko sa pinto ay isang daanan na makipot na naman ang nadaanan ko, madilim na naman. Naglakad ako hanggang sa pinakadulo at sa pinakadulo naman nun ay isa na namang pinto. Nang buksan ko ang pintong yun, pumasok ulit ako. Isang kwarto naman ang nasa labas ng pintuan na yun at sa dulo naman nun ay isa na namang pinto. Naglakad na ako patungo sa pintuan na yun at buti na lang nga ito na ang pinakahuling pintuan. Dahan dahan akong lumabas, paglabas ko syempre maliwanag na dahil nasa pasilyo na ako, sa tapat mismo ng isinumpang cafeteria at sa ikalawang palapag ng gusali na to. Walang tao na makakakita sakin dahil wala namang mga tao ang dumadaan dito at wala namang tao na pupwedeng dumaan dito dahil bukod sa pinagbabawalan ang sinuman ang dumaan dito ay nandito rin ito sa pinakadulo ng gusaling ito. Lumiko na ako at dere derechong naglakad na at sumabay na sa ilang kababaihan na naglalakad patungo sa cafeteria namin (yung cafeteria na kinakainan talaga) Sakto na pagkatapat ko sa cafeteria namin ay tumunog ang bell, hudyat na lunch time na namin, ng mga seniors. Dere derecho akong pumasok sa loob at derechong pumila para makapili kung anong kakainin ko.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
غموض / إثارةHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...