Hᴇɴɴᴀ Nɪꜱʜɪᴋᴀᴡᴀ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ
Nandito na kami sa ikalawang palapag ni Miyuki kasama rin si Leizy at kanina ko pa rin nararamdaman na may nagmamatyag sa amin. May hawak na flashlight si Miyuki dahil nalaman ko sa kanya na pinapatay nila ang mga ilaw dito sa palapag na ito kapag gabi na. Kaya itong palapag lamang ang bukod tanging madilim.
Pinaglalaruan naman ni Leizy sa kamay niya ang isang punyal. Tssk!
Bakit ba mayroon siya nyan? Kainis!
Habang ako nakahawak ako sa latigo ko na nasa loob ng jacket ko.
Tumigil sa paglalakad si Leizy kaya automatic na napatigil din kami ni Miyuki sa paglalakad. Sinenyasan niya si Miyuki na patayin ang flashlight, sinunod niya naman ito.
Tama ako, naramdaman niya rin iyon.
Naglakad na ulit kami nang dahan-dahan at bigla kaming lumiko sa pinakadulo ng pasilyo, kahit nakapatay na 'yung ilaw ay para bang sanay na sanay na sina Miyuki at Leizy.
Kabisado naman pala nila magpasikot-sikot dito kahit madilim bakit nagdala pa sila ng flashlight. All the students here in Hellena are all weird. Tsk!
"Bilisan natin baka abutan tayo ng alas tres."
Napaisip ako sa sinabi ni Miyuki. Isa iyon sa mga rules na nabasa ko sa booklet. Ano nga bang mayroon kapag papatak ng alas tres ng madaling araw? Ano kayang nangyayari?
Saan ba ako dadalhin nitong mga ito? Ang sabi nila sa tapat ng isinumpang cafeteria? Ano naman gagawin namin dun eh bawal nga raw pumunta dun. Baka naghahanap na naman si Miyuki ng sakit ng paa eh.
"We're here." Sabi ni Miyuki kaya huminto na rin akong maglakad.
Madilim, kaya hindi ko alam kung saang parte kami sa ikalawang palapag na ito.
Binuksan na ni Miyuki ang hawak-hawak nitong flashlight at itinapat ito sa harapan namin. Nakita ko na lang na nasa harap kami ng isang pinto.
Ito na ba ang isinumpang cafeteria?
"Sigurado ka na ba talaga, Henna?" Sa pangalawang pagkakataon kinausap niya ulit ako---ni Leizy, kagaya kanina sa cafeteria. Hindi ako kumibo bagkus inirapan ko lang ito kahit hindi niya naman iyon makikita dahil madilim nga.
Paulit-ulit! Ano bang pakialam niya?
"Dala mo ba Miyuki?"
"Oo suot-suot ko."
Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila kaya naghihintay lang ako kung anong susunod na gagawin nila habang pinapakiramdaman ko siya. Madilim ngunit tama lamang para maramdaman ko ang presensya niya.
Nilibot ko ang buong paligid sa kinakatayuan ko ngayon. Wala naman ibang pinto na mayroon dito bukod sa pinto na nasa harapan namin ngayon. Ito na nga siguro ang isinumpang cafeteria na sinasabi nila.
Muli kong binalik ang tingin ko kila Miyuki. Binigay ni Miyuki ang flashlight kay Leizy. Mayroong kaonting liwanag na sa kinaroroonan namin kaya nakikita ko silang dalawa. Pagtingin ko kay Miyuki, tinanggal nito 'yung hair clip na suot sa buhok niya at ini-straight iyon. Napaisip ako, bakit mayroon siya nun?
Pinasok niya iyon sa keyhole at after ilang seconds lang may nagclick na sound. Pagpihit niya sa seradura ay bumukas ito. Nabuksan niya ang pinto ng walang kahirap-hirap at dahil lamang iyon sa hair clip na gamit niya. Ang hair clip na kilalang-kilala ko kung sino ang totoong may-ari. Isinawalang bahala ko ang pag-iisip kung bakit mayroon din siya ng hair clip na iyon. Mas dapat kong unahin kong anong mayroon sa kwartong ito.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Mystère / ThrillerHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...