Aʟᴛʜᴇᴀ Fᴀʀʀᴇʟ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ
Lunch break na namin at papunta na nga kami sa cafeteria.
"Bilisan natin kumain Althea para makabalik kaagad tayo sa classroom."
"Bakit ba takot na takot kayo? Para kayong mga tanga." Sigaw ko sa kanilang tatlo.
Parang tanga kasi eh.
"Oo nga bakit ba kayo natatakot eh ang dami-0dami naman nating magkakasama?" Sagot ni Faustino.
Magkakasama kasi kaming walo. Ako, Andrea, Alexandra, Aiko, Hiro, Dwight, Faustino at Kalix at kanina pa ko naririndi dito sa tatlong ito. Parang mga tanga eh.
Takot lang mamatay?
"Lahat tayo mamamatay okay? Wag nga kayong OA." Napatawa lang tuloy sila Dwight sa sinabi ko.
Bakit totoo naman ha?
"So hindi ka natatakot mamatay babe?" Tanong ni Dwight sa akin. Inakbayan niya pa ako. Inirapan ko lang siya. "Di ka takot mamatay sa sarap?" Dugtong nito. Binatukan lang siya nila Faustino.
Mabilis na lumipas ang oras.
Naglalakad na nga kami pabalik ulit sa classroom. Nakasalubong pa namin si teacher Flloyd.
"Miss Farrel, pakidala naman nito kay teacher Ana. Nasa klase siya ng sophomore." Utos sa akin ni teacher Flloyd nang makasalubong namin ito sa pasilyo.
"Papapuntahin mo pa ko sa 4th floor para lang iabot 'yang walang kwentang 'yan?" Mataray na sigaw ko kay teacher Flloyd habang tinuturo 'yung class record na hawak niya.
Bwisit to! De porket ako ang vice president sa klase namin, ako na uutos-utusan niya. VICE PRESIDENT ako dapat hindi niya ko inuutos-utusan. Kainis!
Ngumiti lang siya sa akin na lalong kinaasar ko.
"Ohh sige, itong mga libro na lang ang dalhin mo." Sabi niya sabay nilahad sa akin 'yung malalaking librong dala-dala niya.
"Sa library ko ito dadalhin. Pakitulungan na lang ako, Miss Farrel." Nakangiting sabi niya sa akin.
"Hell no!" Sabay kuha ko dun sa class record.
"Tulungan ka na lang namin teacher Flloyd." Tinulungan nga ni Faustino at Kalix si teacher Flloyd doon sa mga libro habang nagpaalam naman sina Dwight at Hiro na de-derecho na sa classroom namin.
"Bwisit!---hoy kayo ano pang hinihintay niyo? Pasko?" Tanong ko sa tatlo nang nagsimula rin silang maglakad ngunit sa ibang way nga lang.
"Babalik na rin kami sa classroom." Sagot ni Alexandra.
Lumapit ako sa kanila at binatukan ko nga siya gamit nung class record.
"Talagang balak niyo talaga akong gawing alalay ha? Ohh, dalhin mo na 'to Aiko. Sasamahan ka na namin kay teacher Ana."
"Bakit ako?" Reklamo niya.
"Kasi hindi kami." Then nagsimula na kongmaglakad.
Lumingon naman ako kaagad nang napansin kong mga nakatanga pa rin silang tatlo.
"Ano? Tatanga na lang kayo dyan?" In the end wala rin silang nagawa kundi sumunod sa akin.
DAPAT LANG!
Sumakay kami ng elevator at mabilis na nakarating sa palapag ng mga sophomore. Pumasok na kami sa class A dahil nandoon si teacher Ana. Mabilis na binigay ni Aiko 'yung class record at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa elevator para makaakyat na kami sa 6th floor.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Misterio / SuspensoHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...