Hᴇɴɴᴀ Nɪꜱʜɪᴋᴀᴡᴀ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ
"Panyo ito ni Larice." Pagkasabi niya nun binuklat niya ang panyo sa harapan ko.
Kaagad akong napatakip sa ilong ko nang masangsang na amoy ang naamoy ko mula rito. Narinig kong tumawa ng mahina si Miyuki ngunit hindi naman iyon ang pinroblema ko kundi 'yung nakasulat sa panyo.
"Ano 'yang letrang 'yan?" Takang tanong ko habang nakatakip pa rin ako sa ilong ko.
Inabot sa akin 'yon ni Miyuki na para bang sinasabing tingnan ko. Napairap akong kunin ko ito sa kanya. Nang titigan ko 'yon nang mabuti, dugo ang naaamoy ko. Itong letrang S ang naaamoy kong masangsang na amoy. Malansa ito. Isa itong dugo alam ko.
Nilapit ni Miyuki 'yung flashlight niya sa panyo at itinapat iyon sa pinakailalim ng panyo. Nabasa ko naman ang nakaburda rito.
Larice Aquino
So kay Larice ito?
"Mukhang kay Larice 'yan at mukhang siya ang nagsulat ng letrang S na 'yan para masabi kung sino ang pumatay sa kanya. Sa tingin mo?" Sabi ni Miyuki sabakin. Tinititigan ko pang mabuti 'yung panyo hanggang sa may naalala ako.
Tama.
"Kanina, nakita kong walang dugo ang buong palad ni Larice, maliban sa hintuturo niya." Sabi ko.
"Tama nga ang naisip ko. Siya marahil ang nagsulat niyan." Sabi niya at kinuha na niya ulit ang panyo at tinupi kaagad ito.
"'Yan ba ang panyong hinahanap kanina ni Angel?" Tanong ko nang nagsimula na ulit kaming maglakad at napansin ko rin na 'yung hagdanan na nilalakaran namin pababa ay paliit din ng paliit?
Ano na naman pakulo 'to? Ano na naman mayroon sa pinakadulo nito?
"Hindi raw. Pero itong panyong 'to ay napulot ko nung nakabungguan ko si Shannel kanina. Pagkatapos nangyari 'yung kay Larice." Napalingon ako sa kanya ngunit naglalakad pa rin naman ako.
"Shannel?" Tanong ko. Tumango siya.
"Shannel Lim, the class president of class A."
Hindi na ako kumibo nang sabihin niya iyon. Shannel? Letrang S? Posible kayang siya iyon? Ngunit posible rin na isa sa classmate namin iyon.
Sino bang letrang S ang nagsisimulang pangalan sa mga kaklase namin?
Kailangan ko na talagang makuha 'yung libro na 'yon.
"Nandito na tayo." Sabi ni Miyuki.
Nakarating na kami sa pinakababa ng hagdan na 'yon. Isa na namang daanan na makipot ang bumungad sa akin.
So what's next? Maglalakad na naman kami? Tsk!
"Tara." Hinila niya na naman ako.
Hindi na ko umangal nang hawakan niya ako kahit naiirita ako sa totoo lang. Bakit ba panay hawak niya sa akin? Para namang maliligaw ako. Nakakainis!
Nasa likuran niya ako since makipot 'yung dinadaanan namin.
"Nandito na tayo." Binitawan niya ako nang nasa harapan na naman kami ng isang pinto.
Wala atang katapusang pinto ito.
Makipot pa rin 'yung daan kaya nasa likuran niya lang ako kasi hindi naman kami kasya kung magtatabi pa kami at isang tao lang din ang kasya pagpasok sa pinto na nasa harapan namin.
Binuksan niya ito at pumasok na siya. Pag pasok ko, namangha ako sa nakita ko.
Ito na 'yung lumang libary pero nasa pinakadulo kami.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Gizem / GerilimHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...