CHAPTER 40: OUTSIDE THE CAMPUS

627 36 2
                                    

SOMEONE POV

Nandito kami sa kuta namin, at kanina pa nagwawala si pinuno.

"Hindi niyo pa rin ba nakikita si Shannel?" Paulit ulit na tanong niya, kanina pa yan.

"Alam mo, kung wala ka ng magandang itatanong pwede ba manahimik ka na lang." Naiirita na sagot ng mahal ko.

Napatawa tuloy ako sa sinabi niya. Siya lang naman kasi ang may kakayahan na sagutin ng ganyan si pinuno.

"Bakit hinahanap mo pa si Shannel e alam naman nating lahat na patay na yun." Dugtong niya pa na hindi man lang inalis ang tingin sa barahang hawak hawak niya.

Mukhang nagpupusoy na naman siya mag isa, ang hilig hilig niya talaga maglaro ng baraha. Ngayon na wala na si Shannel kaya mag-isa na lang siyang naglalaro.

"Pano ka naman nakakasiguro?" Tanong ng katabi ko habang nagsisindi ng sigarilyo niya.

"Simple lang." Huminto muna si mahal ko bago magsalita at tumingin kay pinuno tsaka ngumisi. "May kumakalaban satin." Dugtong niya tsaka tinuon ulit ang tingin sa barahang hawak niya.

Pinagmasdan ko si pinuno, wala naman siyang naging reaksyon sa sinabi ng mahal ko.

"So isa sa classmate natin ang kumakalaban satin ganun?" Sabi ng katabi ko.

"Pwede rin na isa sa atin." Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun.

Nakaupo siya sa sofa na medyo malayo sa kinauupuan namin ngayon. Nagbabasa lang siya sa hawak niyang libro. Mula nang dumating kami dito kanina ay ngayon lang siya nagsalita dahil masyado siyang busy kakabasa sa librong hawak hawak niya.

Isang malakas na hampas sa lamesa ang ginawa ni pinuno kaya napunta lahat sa kanya ang atensyon naming lahat.

"Sa oras na may malaman akong may traydor dito sa inyo. Humanda kayo sakin." Banta niya. Tsk! "At isa pa. Sino ang pumatay kay Phoemela ng walang pasabi ko?" Dugtong niya sa tono na galit pa rin. Tsk!

Sa klase akala mo kung sinong mabait, palaging nakangiti. Pero kapag nandito akala mo palaging may dalaw na hindi mo maintindihan.

"Ako." Walang ganang sagot ko tsaka linagok ang laman ng baso ko. Tumingin siya sakin na nanlilisik ang mga mata niya.

"Magaling ang ginawa mo. Nasorpresa ako sa ginawa mo." Nakangising sabi niya. Ngumisi rin ako.

Kelan ba siya hindi nasorpresa sa lahat ng ginawa ko?

Pero yung ngising kong yun ay napalitan ng pagkasalubong ng mga kilay ko nang biglang nanlisik na naman ang mga mata niya.

"Pero hindi mo ba alam na may iniwan kang isang kalat roon?" Malakas na sigaw niya.

Kalat?

Anong kalat?

"Si Miyuki, nakita kong nilapitan niya ang katawan ni Phoemela at tiningnan ang palad nun. Nang umalis si Miyuki, tiningnan ko kung ano ang tinitingnan niya sa palad ni Phoemela." Huminto muna siya magsalita bago nagpatuloy.

"Isang palatandaan." Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napatayo pa ko.

"Palatandaan? Anong palatandaan?" Takang tanong ko.

"Isang palatandaan kung sino ang gumawa nun sa kanya."

"Pero papaano? Alam kong patay na siya nung nailagay ko na siya sa loob ng pinto na yun." Sigaw ko.

Nagtaka naman ako dahil ngumisi siya na para bang inaasar niya pa ako.

"Oo nga. Pero hindi mo alam na habang pinapatay mo siya nakagawa na siya ng palatandaan kung sino ang gumawa nun sa kanya." Kampante na sinabi niya tsaka sumigaw ulit.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon