HENNA POV
Naglalakad na kami rito sa loob ng kwarto nila Lance at gaya nga ng nasa kwarto namin, pasikip rin ng pasikip ang dinadaanan namin at kagaya rin sa amin sa pinakadulo nun ay may isa pa ngang pinto. Pinihit ni Lance ang seradura, hindi iyon nakalock kaya mabilis lang ang pagpasok namin. Naglakad na naman kami ng halos sampong minuto then kagaya sa amin ang dinadaanan ulit namin ay paluwag naman ng paluwag.
Sino bang naggawa nitong gusaling to? Ang daming alam e.h
"Napapagod ka na ba? Bubuhatin na kita." Muli, hindi ko siya pinansin, tumawa lang na naman siya.
Paulit ulit na tanong niya na yan sa akin at paulit ulit ko rin naman siyang di sinasagot. Kung binibilisan niya na lang kaya ang paglalakad diba para makarating agad kami dun sa building 4 na sinasabi niya.
Napailing na lang ako, mukhang aabutin pa kami ng isang araw kakalakad bago kami makarating sa gusaling yun eh. Bwisit!
Nakarating kami sa dulo, at katulad nga ng nasa kwarto namin sa dormitoryo namin ay may dalawang hagdan din akong nakita at isang pinto. Pero ang pinagkaibahan lang, dito nasa harap namin ang isang napakalaking pinto at sa kaliwa at kanan namin ay hagdanan na pababa rin pero IKAW ANG BABABA. I mean nakahawak ka sa bakal na hagdan, yung para bang nakasabit ka rito habang bumababa ganun.
Ano ba naman klaseng lugar ito. Talagang pinapahirapan talaga ako rito.
Napatingin ako kay Lance nang narinig ko na naman siyang tumatawa. Sa asar ko sa kanya ay kinuha ko yung latigo ko na nasa loob ng damit ko sa likod, hinagis ko iyon papunta sa kanya at pinulupot ko iyon sa leeg niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero saglit lang din iyon. Para bang inaasahan na niya na gagawin ko ito sa kanya pero hindi nga lang niya inaasahan na sa leeg ko siya titirahin.
"Oy ano ba Jyl! Papatayin mo ba ako." Reklamo niya habang nakahawak siya sa latigo ko na nasa leeg niya.
"Oo. Isa pang tawa mo at papatayin talaga kita. Bwisit ka!" Naiinis na sagot ko sa kanya.
Ngumisi lang siya sa sinabi ko at may kinuha siya sa bulsa niya.
Nang nailabas niya ito at nakita ko kung ano iyon ay mabilis kong hinatak pabalik sa akin yung latigo ko.
"Tarantado ka ha?" Malakas na sigaw ko sa kanya kaya umangilawngaw talaga yung boses ko sa lugar na ito.
Tumawa lang siya sa sinabi ko na para bang katawa tawa sa kanya yung ginawa niya sa akin.
"Kung nasira mo to, gago ka ba?" Naiinis na sagot ko sa kanya, muli tumawa na naman siya.
"Bakit ba may ganyan ka? Itapon mo nga yan." Naiinis na sabi ko.
May hawak hawak kasi siyang punyal at gagamitin niya sana yun kanina para putulin ang latigo ko.
KUNG DI BA NAMAN GAGO ANG HAYUP NA TO!
"Chill Jyl. Hindi ko naman gagawin sayo iyon."
"Ulul!" Mabilis na sagot ko sa kanya.
"Alam mo bang mas mahal pa to kesa sayo?" Sigaw ko at itinaas ko pa yung hawak kong latigo.
"Alam ko. Kaya nga ako nagseselos dyan sa latigo mo. Yan lagi ang hawak mo." Mahinang sabi niya na pinipigilan niya pang tumawa.
Ulul nito! Lolokohin pa ko ng gagong to.
Inirapan ko na lang siya at naglakad na ako derecho sa pintuan na nasa harapan ko.
"JYL, WAG KANG PUPUNTA DYAN!" Sigaw niya pero huli na nang lingunin ko siya dahil dere-derecho akong nahulog...
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Mystery / ThrillerHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...