CHAPTER 2: BUILDING OF HELL

1.2K 69 12
                                    

Mɪʏᴜᴋɪ Sɪʟᴠᴇꜱᴛʀᴇ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ

Pupulutin na sana ni Devi 'yung lampshade na nasa sahig. Na nasa may pintuan ngunit hindi na nito naituloy nang may pumulupot sa kamay nito.

ISANG LATIGO?

"Bakit hindi ikaw ang maglinis niyan, tutal ikaw naman ang nakaisip."

Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya---dun sa transferee. Although nandito ako sa itaas ng kama na kinaroroonan niya. Muntik pa nga akong mahulog sa kama ko dahil nasa itaas niya nga ako at nakadapa lamang ako rito sa kama ko para masilip siya sa ibaba. Nagulat kami sa hawak-hawak niya, isang latigo. Namangha kami sa ginawa niya, lalo na ako.

Sa sobrang mangha nga namin sa ginawa niya'y hindi na namin nagawang magsalita pa. Ang layo ng pwesto niya mula kay Devi ngunit nagawa niya pa iyon at partida nakaupo pa siya niyan sa kama niya ngunit ang pinagtataka ko---bakit may latigo siya?

Tanging hikbi lang ni Devi at ticking ng orasan ang naririnig namin. No one dared to speak, lalo na si Althea na napakadaldal ay nagawa nitong mapatahimik. Hindi na rin nagsalita ulit 'yung transferee at mukhang wala na siyang balak magsalita pa. Baka bukas na ulit siya magsasalita or baka ewan, hindi ko alam. Mukha naman kasing hindi siya sanay makipagsocialize sa iba. Mukhang 'yon na rin ang pinakamahabang salitang narinig ko mula sa kanya ngayon.

Nakatingin lamang kami sa kanya habang hinatak na niya pabalik sa sarili niya 'yung latigo niya sakto naman na bumukas ang pinto.

"Ano na namang kaguluhan ito?" Galit na galit na sigaw ni Mrs. Lanmarie Vergara, she's the Head Mistress here in Hellena.

Sa likod niya naman ang mga seniors na mga chismosa na nakukuha pang mang-asar sa amin. Umupo ako sa pagkakadapa ko sa kama ko dahil ang sama ng tingin sa akin ni Mrs. Vergara.

"Walang magsasalita?" Tanong niya ulit.

"Tinatanong pa ba 'yan, Mrs. Vergara? Sino ba sa tingin mo ang may kasalanan?" Walang galang na sagot ni Althea. Nakuha niya pa talagang irapan ang Head Mistress.

Well, ano nga bang kagulat-gulat doon? Para sa mga estudyante ng Hellena, normal na gawain na lamang iyon.

"Si Devi ang may kagagawan niyan." Wala ding galang na sagot ni Andrea.

'Yung tinutukoy nila ay 'yong pagkabasag ng lampshade. Isa kasi sa rules sa eskwelahan na ito ay ang pagbabawal na masira ang isa sa gamit sa loob ng kwarto---sa loob lamang ng kwarto. Ibig sabihin pag nasa labas na ng kwarto maaari ng sirain 'yong mga gamit.

Kalokohan diba?

"Hindi---siya ang may gawa niyan." Sabay tumuro si Althea rito sa bandang amin ngunit hindi naman ako ang tinuro niya kundi 'yong transferee.

"Oo nga pala, siya talaga may gawa niyan."

Hindi ko alam kung ano bang reaksyon nung transferee kasi hindi ko naman siya nakikita mula rito sa kinauupuan ko sa ibabaw ng kama naming dalawa.

"Tumahimik nga kayo! Nagtuturuan na naman kayo." Galit na galit pa rin na sigaw ni Mrs. Vergara kaya naman tumahimik sila.

Nagtataka lamang ako sa Head Mistress na ito, kung makatingin kasi siya sa transferee ay parang pinapatay niya ito sa pamamagitan ng tingin niya.

Bakit kaya?

"Farrel, Marquez, Quetula, Louver, Silvestre, Guevarra and you Miss Nishikawa in my office now, I mean ASAP." Sigaw ni Mrs. Vergara bago lumabas ng kwarto namin.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon