Alohaaaaaa. Sabi ko mag-a-update ako kaagad pero hindi ko nagawa. Lol. Sorry gusto ko mang mag-update kaagad hindi ko nga nagawa dahil medyo busy aketch xD Isa pa sabaw talaga ang utak ko this past few days. Ayako naman bigyan kayo ng pangit na chapters dahil lang sa gusto ko mag-update ng mabilis. Lol. But I really tried my best to make this chapter nice. So please enjoy this chapter. Okidoki.
WARNING: Medyo may malaswa xD Sorry kailangan ko lang talaga ilagay yun para sa plot ko. Lol. Medyo lang naman. Lol. Okidoki. So here it goes---
SOMEONE POV
Linggo ngayon, papunta ako sa kuta namin, wala lang naman, gusto ko lang tumambay. Isang linggo na kasi akong nabuburyo dahil wala namang misyon.
Wala ba kaming papatayin? Tsk!
Isang linggo na kaming namamahinga e.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kuta namin, nagulat pa ako dahil nandito pala yung dalawa---si pinuno at siya. Hindi ata nila ako napansin pagpasok ko dahil nakatalikod sila sakin, nasa sofa sila nakaupo at nag-uusap.
"Yow! Anong pinag-uusapan niyo?" Bungad ko dahil mukhang seryoso ata ang pinag-uusapan nila, to the point na bakit kailangan pa nilang magsolo dito. Lumingon sila pareho sakin.
"Wala." Sagot ni pinuno sakin tsaka naglakad papunta sa counter bar.
Napaisip ako sa mga kinikilos nitong dalawang to. Madalas ko kasi silang makita na nag-uusap ng pabulong lang. Simula ng nawala si Henna madalas ko na silang nakikita na palaging balisa.
May kinalaman kaya sila sa pagkawala ni Henna?
"Nasan yung dalawa?" Tanong ko sa kanya nung tumabi ako sa kinauupuan niya.
"Hindi ko alam." Si pinuno ang sumagot sakin imbis na itong katabi ko.
Pinagmasdan ko ang taong katabi ko. Sumobra naman ata ang pagkasuplado niya at pagkatahimik niya ngayon? Pati kung dati panay libro ang hawak niya ngayon naman panay punyal na ang palaging hawak hawak niya.
"Hanapin mo siya." Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at inihagis yung hawak niyang punyal papunta kay pinuno.
Nadaplisan sa pisngi si pinuno sa paghagis ng punyal sa kanya kaya nagdugo ang pisngi niya.
"O--oo." Nauutal na sagot ni pinuno dito sa taong katabi ko.
"Anong nangyari dun?" Takang tanong ko kay pinuno, habang tinitingnan ko siyang papalabas ng kuta namin.
Iniisip ko kung papaano niya nagawa yung kanina sa pinuno namin. Yung hagisan niya ng punyal sa mukha si pinuno. Para bang hindi siya natatakot na baka patayin siya ni pinuno dahil sa ginawa niyang yun. The way na magsalita at kumilos siya para bang nilalabanan niya si pinuno tsaka bakit niya inuutusan si pinuno? Kung tutuusin ngayon ko lang nakita na ginanun niya si pinuno.
"Don't mind him." Napatingin ako kay pinuno nang sabihin niya iyon.
Nasa bar counter pa rin siya at umiinom dun. Napaisip rin ako sa mga kinikilos niya.
Bakit ba parang okay lang sa kanya na tinatrato siya ng ganun? Yung gaya kanina?
Samantalang sa isa naming kamiyembro nilalabanan niya kapag sinasagot siya ng pabalang o hindi siya ginagalang bilang pinuno namin pero bakit pagdating sa kanya parang natakot ata siya bigla sa kanya? Tsk! May kakaiba talaga sa kinikilos nilang dalawa.
Posible kaya na traydor sila sa grupo namin? Posible kaya na sila ang pumatay sa isang kasamahan namin na si Shannel? Pero imposible, dahil ang sabi ni Henna siya mismo ang pumatay kay Shannel kaya nga pinakita niya samin ang katawan ni Shannel nung araw ng party.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Mystère / ThrillerHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...