CHAPTER 10: WHO'S NEXT?

726 57 2
                                    

Hᴇɴɴᴀ Nɪꜱʜɪᴋᴀᴡᴀ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ


Pinagmamasdan ko ang kaklase naming nakasabit sa loob ng classroom namin. Nakatali pa ang mga kamay niya sa likod habang butas naman ang dibdib niya. Tumutulo pa sa sahig ang dugo na nanggagaling sa butas na dibdib niya.

Kahit nakakadiri 'yung itsura niya, hindi ko pa ring mapigilang ngumisi. Ganito pala sila pumatay at humahanga ako dahil malinis na malinis ang kahayupan na ginagawa nila ha? Malinis in a way na hindi man lamang sila nagkubli kung may makakita sa kanila dahil dito pa talaga nila nilagay sa loob ng classroom ang katawan ng biktima.

Napalingon ako sa bandang kaliwa ko, hindi nga ako nagkamali nakatingin na naman siya sa akin. 'Yung babae sa may cafeteria kahapon---Iris, 'yon ang pangalan niya sa pagkakatanda ko.

"Sino na naman may gawa nito?" Sigaw ng mga kaibigan nung biktima.

Hindi ko alam ang mga pangalan nila at wala naman akong pakialam dun.

May dumating na ilang staffs ng school at ilang mga pulis. Inimbistigan na nila ang nangyari sa kaklase namin.

Nandito kami lahat sa tapat ng classroom namin, mga nakatanga at ramdam ko naman na lahat kami nakikiramdam lang sa bawat isa. Humahanga talaga ako sa taong gumawa ng karumaldumal na pagpatay na iyon.

"Henna, saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap." Tanong ni Miyuki nung lumapit sila sa akin.

May kasama pa silang isang babae, 'yung babaeng katabi rin nila sa upuan kanina sa klase. Hindi ko alam ang pangalan niya pero katulad ng iba, feeling close rin siya sa akin. Kung ngitian ako akala niya kilalang-kilala niya ko.

"Sa cafeteria saan pa ba?" Mataray na sagot ko kay Miyuki sabay umirap ako dun sa isang kasama nila na nakakapit kay Devi, nakatingin pa rin kasi siya sa akin.

Sino kaya siya?

"Ikaw ang taray mo talaga." Mahinang hampas ni Miyuki sa akin.

Feeling close talaga 'tong babaeng 'to at naiinis ako sa mga pinaggagawa niya sa akin.

Akala niya ba tinutoo ko talagang makipag kaibigan sa kanya? Tsk!

Pinakilala niya sa akin 'yung isang kasama nila---Jansen Mercedes at napag-alaman kong bestfriend siya nung Devi. Ngumiti na naman siya sa akin ngunit kagaya kanina'y inirapan ko na naman siya.

"Pagpasensyahan mo na si Henna, Jansen ha? Mataray lang talaga 'yan pero mabait naman 'yan kahit papano." Narinig kong sabi ni Miyuki dun sa Jansen. Halos matawa ako sa sinabi niya.

Ako? Mabait? Well let's just see.

"Bakit kaya tumunog 'yung musika na 'yon?"

"Oo nga eh. Mukhang gumagawa na naman sila ng panibagong rules."

Naririnig kong pinag-uusapan nila Miyuki. Naalala ko 'yung sinabi niya kanina dun sa library, na sa klase nila ang unang may mamamatay which is sa klase ko na rin.

Pinagmasdan ko si Miyuki na titig na titig sa katawan ng kaklase namin na nakasabit sa loob.

Papaano niya kaya nalaman na sa klase nga namin may mamamatay?

Nagtaka rin ako kung bakit bigla-bigla na lang din tumunog 'yung nakakakilabot at nakakairitang musika na iyon kanina na dapat tuwing alas tres lang ito ng gabi tutunog. Pero hindi naman iyon ang problema ko---kundi sa akin lang naman nakatingin sina Angel, yung Iris, si Lance at 'yung lalaking katabi ko sa kaliwa ko sa klase, yung kasama rin namin sa punishment room kahapon, 'yung nakabungguan ko. Hindi ko alam ang pangalan niya at wala akong balak alamin.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon