CHAPTER 27: HEAD AND BODY

639 54 3
                                    

HENNA POV

Tapos ko nang basahin at pag-aralan ang mga pangalan ng mga estudyante nung freshmen sila na ngayon ay senior na nga sila, class A to class F.

Pagtingin ko sa suot kong relo, eksaktong alas singko na ng umaga. Sobra sobra na ang limang oras para kabisaduhin ko ang mga pangalan ng bawat estudyante at kabisaduhin ang mga mukha nila. Nakabuo na rin ako sa mga pangalan ng ilang grupo na makakabuo sa salitang demons. Pati ang ilang estudyante na namatay na noon ay nalaman ko na rin kung sino sino sila.

Nilagay ko na kaagad ang librong hawak ko sa ilalim ng drawer ko. Isang oras na lang bago magbell hudyat para sa paggising sa umaga.

Pinagmasdan ko ang mga kaklase kong mahimbing pa rin na natutulog. Nandito sina Althea at yung dalawang alipores niya. Hindi sila nagising kaninang alas dose.

Napangisi na lang ako, nakaligtas ka ngayon Althea, pasalamat ka hindi ka nagising kundi sa mga oras na ito pinagpipyestahan na ang ulo mo sa buong Hellena.

Napangisi ulit ako at napaisip, nakaligtas ba yung mga babaeng kumatok dito kaninang alas dose para gisingin sila Althea?

Sa pag-iisip kong iyon, bigla naman tumunog ang napakalakas na isang musika. Hindi iyon ang musika na pampagising sa lahat kundi yun yung musika kapag may namatay na.

Posible kaya?...

"Fuckshit! Ang lakas naman ata nilang magpatugtog ngayon. Parang mga tanga."

"Haist! Ano ba naman yan ang aga aga."

"May patay na naman ba?"

Sigawan nila Althea kasama nung dalawang alipores niya.

Nagising na lahat ang mga kasamahan ko sa sobrang lakas ng musika na iyon na para bang sinadya ang napakalakas na tunog para magising lahat ng estudyante.

Napangiti ako, isa itong senyales.

"Ang aga mo naman nagising Henna?" Sabi ni Miyuki habang nakadungaw sa akin mula sa pagkakahiga niya.

Sana mahulog siya sa kama niya.

Ikatutuwa ko pa.

"Bakit ikaw? Ang aga mo rin naman nagising ha?" Mataray na sagot ko sa kanya.

Tumawa lang siya at sumang-ayon sa sinabi ko nang narealize niya ata kung anong sinabi niya sa akin. Napairap na lang ako, kahit kelan di talaga siya marunong mag-isip.

Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan namin, isang malakas na sigaw ang narinig namin mula sa labas ng pasilyo at mukhang marami rami na rin ang nagkalat na estudyante sa pasilyo dahil malamang nagising sila sa tunog na iyon.

"Ano yun?"

Mabilis na nagsipaglabasan sa kwarto ang mga kasama ko, isa na nga ako sa kanila.

Pagkalabas namin sumigaw agad sila Althea at yung dalawa niyang alipores, si Devi naman tinakpan ang mukha niya gamit ang dalawang kamay niya, ako titig na titig sa nakasabit sa itaas ng pintuan ng katabing kwarto namin, ang kwarto kung nasan sila Leizy, habang si Miyuki naman ay lumapit sa kinaroroonan ng pintuan nila Leizy. Dahan dahan din akong lumapit sa harap ng pintuan nila Leizy, tama nga ako, ito na ang senyales nila.

Nakabukas yung pintuan nila kaya kitang kita ko sila sa loob, habang yung dalawang kasama nila sa kwarto na kaklase namin na sa pagkakakilala ko sa libro sila ay sina Gelie Dacuni at Mariz Fernandez, nasa labas sila ng kwarto nila at nakaupo sa sahig na nanginginig pa ang buong katawan sa takot na nakikita nila sa nakasabit sa pintuan ng kwarto nila.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon