CHAPTER 59: UNDERGROUND TUNNEL

677 33 13
                                    

DEVI POV

ISANG LINGGO ang lumipas. Sa loob ng isang linggo na yun ay araw araw may namamatay. Araw araw kaming gumigising sa umaga na tinitingnan ang bawat isa kung humihinga pa ba kami, kung buhay pa ba ang bawat isa samin. Dahil sa loob ng isang linggo, tuwing gigising kami sa umaga ay gigising na lang kami na may mga katawan ng tao ang nakasabit sa labas mismo ng buong pasilyo. Mula dito sa kwarto namin hanggang sa kwarto ng mga class A ay may mga katawan na nakasabit na tila ba mga palamuti sila sa buong pasilyo. Dito sa dormitoryo namin at sa dormitoryo ng mga kalalakihan ay ganun ang nangyayari. Sa loob ng isang linggo, lima sa mga kaklase ko ang namatay. Si Khalil, Gelie, Dianne, Lester at Jacob. Iisa pa rin naman ang ginagawa ng mga killers sa pagpatay. Ganun pa rin ang mga istilong ginagawa nila. Sa madaling salita, kami kami na lang sa mga kasamahan ko sa kwarto ang nananatiling buhay hanggang ngayon. Sinama ko na si Iris dahil doon na siya mismo natutulog sa kwarto namin dahil wala na nga siyang kasama sa kwarto nila, dahil hanggang ngayon wala pa rin si Henna. Tatlong linggo ng nawawala si Henna, isang linggo naman ng nawawala si Jansen. Hindi ko alam kung nasaan ba sila. Kung buhay pa ba sila hanggang ngayon o patay na rin ba? Pero napakaimposible kung patay na sila dahil hindi pa naman lumalabas ang mismong mga katawan nila.

Sa loob ng isang linggo mas ginugusto ko na ring mapag-isa, katulad ni Miyuki. Hindi na ako masyado sumasama kila Iris at Angel dahil palihim kong inaalam kong sino sino ba ang mga pumapatay sa klase namin. Ngayon na alam kong nasa mga kasamahan ko lang sa kwarto ang pumapatay kaya naman mas gusto kong mag-isa na lang. Ngayon na kokonti na lang talaga kami at alam kong isa lang samin ang mga pumapatay kaya naman lahat sila ay hindi ko na pagkakatiwalaan pa.

Kasalukuyan kaming nandito sa classroom namin habang hinihintay na dumating si teacher Flloyd. Tahimik lang ako na nakaupo sa upuan ko habang pinakikiramdaman ko ang mga kaklase ko. Si Miyuki na nasa tabi ko lang ay tahimik rin. Si Lance naman na nasa likuran ko ay nakasubsob na naman sa upuan niya. Si Iris at Angel ay naririnig kong nagkukwentuhan sa kasunod na row na kinauupuan ni Lance. Si Andrea at Althea naman ay nagkukwentuhan din sa harapan ko. Sa gilid ko naman ay naririnig ko ang tawanan nina Hiro, Dwight at Kalix habang sa likuran nila ay si Faustino na tahimik lang na nakaupo sa upuan niya. Simula nang namatay si Leizy ay hindi ko na siya nakikita na sumasama kila Hiro. All in all, 11 na lang kaming natitirang buhay sa klase na ito.

Hindi ko mapigilan ang malungkot habang iniisip ko na pakonti na lang kami ng pakonti. Hindi na kami katulad ng dati na sobrang ingay at gulo. Ipokrita ako kung hindi ko aaminin na hindi ko namimiss ang pambubully nila sakin. Ngayon kasi, wala na talaga. Kung kelan kumonte na lang kami ay doon nagkanya kanya ang bawat isa. Marahil ay katulad ko, baka pasimple lang din silang hinahanap kung sino sino ba sa klase namin ang mga pumapatay.

Dumating si teacher Flloyd, binati niya kami pero wala ni isa ang bumati sa kanya pabalik. Hindi na yun bago dahil minsan talaga hindi talaga namin siya binabati. Ang bago lang dahil napakatahimik ng mga kaklase ko.

Naglelecture si teacher Flloyd pero wala naman sa kanya ang atensyon ng lahat. Nakatingin kami lahat sa kanya pero halata naman na lipad ang mga utak namin. Medyo boring pala talaga kapag kokonti lang kayo sa klase. Iba pa rin talaga yung marami kang kaklase. Nakakamiss din pala yung sobrang ingay at sobrang gulo na nangyari sa apat na sulok ng kwarto na ito.

Nakakamiss yung dati.

"Nauunawaan niyo ba class F?" Natauhan lang ako nang marinig ko iyon kay teacher Flloyd. Isa isa kong pinagmasdan ang mga kaklase ko at katulad ko tila ba ngayon lang din sila natauhan na nasa harapan pala namin si teacher Flloyd at panay ang salita. Bumuntong hininga si teacher Flloyd sabay walang gana na umupo sa upuan niya.

"Tila ba wala kayo sa inyong mga sarili. Ni hindi niyo alintana na kanina pa ako nagsasalita rito sa harapan niyo." Sunod sunod na sinabi niya at inisa isa niya rin kaming tiningnan. Wala namang sumagot sa kanya dahil bukod sa walang balak sumagot sa kanya ang lahat ay wala naman siyang itinanong.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon