Sᴏᴍᴇᴏɴᴇ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ
Tahimik ang buong klase namin. Unti-unti na rin nagsisipagdatingan 'yung mga kaklase namin na nakiosyoso doon sa katawan ni Larice ngunit nananatiling tahimik pa rin sa buong classroom na ito. Si Angel ang huling pumasok. Napapangisi na lamang ako rito sa upuan ko. Ganito 'yung mga gusto niya. 'Yung tipong takot na takot ang mga tao. 'Yung hindi na nila gugustuhin pang magsalita.
"Sinong nawawala sa atin?" Si Janna ang bumasag ng katahimikan, isa sa barkada ng biktima na si Larice.
Tumingin-tingin sila sa likuran. Hinahanap kung may nawawala ba sa isa sa amin.
"'Yung transferee." Sabay-sabay na sabi ng iilang kaklase namin.
Pagkasabi nilang iyon, pumasok siya, si Henna.
Dere-derecho siyang naglakad na para bang hindi niya alintana ang mga pinagsasabi ng mga kaklase ko patungkol sa itsura niya. Punong-puno ng dugo ang skirt nito at mayroon din sa blouse nito. Pati na rin sa kamay nito ay mayroon ngunit hindi niya pinapansin ang pagsisi sa kanya ng mga kaklase ko. Napapangisi ako, dahil halata namang wala siyang pakialam sa mga pinagsasasabi ng mga kaklase ko namin patungkol sa itsura niya ngayon.
Dumerecho ito sa upuan niya at kinuha ang bag nito saka naglakad ulit patungo sa pintuan. Mukhang lalabas na ito ng classroom.
"Siya ang pumatay kay Larice." Sigaw ni Althea.
"Oo nga mamamatay tao siya."
Halos sumisigaw na naman ang mga kaklase ko. Lalo na ang grupo nila Janna, malamang kabarkada nila ang nawala dapat lang na magalit sila. Palabas na sana siya sa classroom nang biglang humarang sa harap niya si Xander, ang boyfriend ni Larice.
"Ikaw ba ang gumawa nun kay Larice?" Tumahimik bigla sa paligid. Nanghihintay sa isasagot ni Henna.
"Tanga ka?" Madiin na pagkakasabi ni Henna. Napakunot noo lang sa kanya si Xander.
"Papaano ko siya papatayin kung nandito ako sa loob ng classroom nang namatay siya?" Huminto ito at para bang nag-isip saglit.
"Ay hindi---sabihin na lamang natin na, nauna siyang namatay bago ako nagkaroon ng mga dugo rito sa uniporme ko at sa mga kamay ko, hindi ba?" Napangisi ito at ganoon din ako dahil sa mahabang paliwanag nito.
Kakaiba nga siya at mukhang ito na ang pinakamahabang salita na narinig ko mula sa kanya. Mukhang nababasa niya ang isip ng mga tao sa paligid niya o sadyang matalino lang talaga siya?
Sumang-ayon ang ilan sa mga kaklase ko sa sinabi ni Henna. Pati ako napang sang-ayon niya sa sinabi niyang iyon.
"Liar!" Sigaw ni Janna sabay sumugod kay Henna at hinawakan ang buhok nito.
Hindi man lang uminda si Henna sa pagsabunot sa kanya ngunit pilit tinatanggal nito ang kamay ni Janna na nakahawak sa buhok niya. Nahihirapan siyang kumawala kay Janna kasi nakatalikod ito kay Janna.
Nagulat na lamang ako dahil lumapit si Lance at tinulak si Janna nang malakas dahilan para mabasubsob ito sa sahig. Nagulat din ang iilang kaklase namin sa ginawang iyon ni Lance.
Si Lance na hindi nangingialam sa away ng lahat ay biglang nangialam? At kay Henna pa? Sa isang transferee? Sa isang Nishikawa?
Interesting!
Parang nanonood lamang ako ng magandang teleserye ha?
Lumingon si Henna kay Lance at binigyan niya ito nang isang nakakakilabot na tingin. Halos sampong segundo silang nagtititigan at walang may gustong magpatalo. Ilang saglita lang, dahan-dahang lumapit si Lance kay Henna at may binulong ito kay Henna. Ganoon na lamang ang pagtataka ko nang biglang nagbago ang facial expression ni Henna. Para bang natakot ito sa binulong sa kanya ni Lance kasabay pa nang pagkakuyom ng kanang kamay nito. Kitang-kita ko rin kung paanong ngumisi si Lance.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Mistério / SuspenseHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...