CHAPTER 37: BULLYING

547 41 5
                                    

SOMEONE POV

Nandito ako sa kuta namin, kasama ko siya. Wala na nga siyang ginawa rito kundi sipain si Shannel.

"Hoy ano ba! Sinabi ng gumising ka na dyan." Sigaw niya na naman.

Nakahiga si Shannel sa lapag habang nakatali ang mga kamay nito sa likod at nakatali rin ang mga paa nito.

"Ayaw mong gumising ha!" Naglakad siya papunta sa may kusina ng kwartong ito.

"ARRRRRRRGGGGHH!" Malakas na sigaw ni Shannel dahil binuhusan lang naman siya sa buong katawan ng mainit na tubig.

"Ohh edi nagising ka rin masyado mo kong pinapahirapan eh." Nagagalit na sabi niya.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi tumawa kapag nakikita ko siyang naiinis o di kaya nagagalit.

"Anong tinatawa tawa mo? Gusto mo buhusan rin kita nito?" Tinaas niya pa yung hawak niyang termos.

Tinaas ko lang ang dalawang kamay ko para sabihing hindi ako lalaban sa kanya.

Kelan nga ba ako lumaban sa kanya?

"Ang aga aga naman ng sigaw mo insan."

Napalingon kami sa taong pumasok nun. Nakasunod naman siya sa likod niya. Dumerecho sila rito sa tabi ko.

"Pakialam mo ba?" Sigaw niya kaya napatawa lang rin siya sa kanya.

Kahit kelan talaga palagi na lang nakasigaw to. Kung hindi sisigaw palagi namang nagagalit.

"Kamusta na Shannel?" Tanong niya kay Shannel. Masamang tingin ang ibinigay sa kanya ni Shannel bago nagsalita.

"Mga traydor! Pati kapatid ko ginamit niyo." Sigaw niya. Ngumisi lang yung dalawa sa kanya.

"Kung hindi ka naman kasi sugod ng sugod dun edi wala ka rito." Sabi niya habang nakasabunot siya sa buhok ni Shannel.

Umiinda lang si Shannel sa pagsabunot sa kanya pero hindi naman sumisigaw.

"Akala mo ba makakalimutan ko yung ginawa mo sa akin?" Linapit pa nito ang mukha niya kay Shannel. Masamang tingin lang ang ibinibigay sa kanya ni Shannel.

"Ohh bat nanahimik ka? Nasan na yung sigaw mo kanina?" Sinamaan lang siya nito ng tingin.

"Ahh sige maglaro muna tayo." Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Kumuha ka nga ng kutsilyo." Utos niya sa akin.

"Bakit anong gagawin mo dun?" Takang tanong ko.

"Isasaksak ko sayo. Ano pa ba ginagawa dun? Wag ka ngang tanga." Sigaw na naman niya.

Lumingon ako sa dalawang katabi ko dahil tumatawa tawa sila. Sinamaan ko lang sila ng tingin saka bumaling agad sa kanya nung sumigaw na naman siya na bilisan ko raw.

"Oo. Ito na nga eh." Napailing na lang ako. Napakabossy talaga nito.

Pagkakuha ko ng kutsilyo ay inabot ko ito sa kanya.

"Ohh." Nilahad ko ang kutsilyo sa harap niya pero binatukan niya ako.

"Ginagamit mo ba yang utak mo?" Sigaw na naman niya.

Tumawa ako, inirapan niya lang naman ako saka umupo sa tabi ng pinsan niya.

Napangisi ako, ang sarap niya talagang asarin.

"Insan ganito yung mukha mo kapag nagagalit ka ohh." Hinatak pa nung pinsan niya yung mukha niya, sumimangot lang siya sa ginawa ng pinsan niya.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon