CHAPTER 60: CARDS

479 27 6
                                    

MIYUKI POV

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko.

"Miyuki!"

Nagulantang ako sa sigaw na yun kaya napadilat na ang mga mata ko kasabay nang pag-upo ko.

Nagtakbuhan sina Devi, Iris at Angel, papunta dito sa kinaroroonan ko.

Nandito pala ako sa kama ni Henna.

"Omygosh Muyuki." Si Iris na natataranta at inaalog alog pa ang balikat ko.

"Mabuti naman nagising ka na." Sabay sabay na sinabi nung tatlo. Tiningnan ko sila isa isa na salubong ang kilay ko.

Umupo sila sa kama na inuupuan ko. Marahil ay naglalaro sila sa sala ng baraha dahil may hawak hawak pa si Angel na baraha. Naku nagiging adik na rin siya dyan, katulad ni Iris.

"Ay grabe ka Miyuki. Ang haba ng tulog mo." Hampas pa sakin ni Iris.

"Ano?" Pagtataka ko.

Anong sinasabi nito?

Magsasalita na sana siya kaya lang may naalala nga pala ako.

"Teka! Wala na ba tayong klase?" Tanong ko.

"Tapos na klase natin gaga. Apat na araw ka na ngang absent dahil apat na araw ka na ring tulog. Mabuti nga at nagising ka na." Sunod sunod na sinabi ni Iris.

Si Angel naman ay hinahamplos hamplos ang buhok ko. Si Devi nakatingin lang sakin.

"Ano bang nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Devi.

Imbes na sagutin ko siya ay tiningnan ko ang sarili ko.

Nakapambahay na ako.

"Oo nga ano bang nangyari sayo? Nakita ka nalang namin na nakabulagta sa harap pa mismo ng cafeteria dito." Napatingin ako kay Angel nang sabihin niya iyon.

Nagtaka naman ako sa mga pinagsasasabi nila.

Apat na araw na akong absent dahil apat na araw akong tulog?

Nakita nila akong nakabulagta sa harap ng cafeteria dito?

"Ouch." Daing ko ng sumakit ang ulo ko.

"Okay ka lang?" Tumango lang ako sa tinanong nila tsaka nagpaalam muna ako na lalabas muna ako saglit.

Tumayo ako at nagsimula nang maglakad palabas ng kwarto. Sila naman, bumalik sa sala at naglaro na naman ulit doon. Paglabas ko ay napagtanto kong gabi na pala.

Naglakad lakad ako sa buong pasilyo. May iilang mga estudyante ang nakatambay dito sa pasilyo.

Naglalakad lang ako na iniisip kung ano ba ang nangyari sakin sa loob ng apat na araw. Hindi lang sakin, pati sa lahat ng nakapalibot sakin. Sa mga kasamahan ko sa kwarto, tila ba naging close na ulit sila? Simula kasi nang nagkasunod sunod ang patayan noong nakaraang linggo ay nagkanya kanya na kami.

Pero teka!

Kung apat na araw akong tulog, sino naman kaya ang nagbibihis sakin?

Napailing ako.

Ayoko munang isipin ang mga walang kwentang bagay. May dapat akong pagtuunan ngayon---

Si Lance.

Humanda talaga sakin yang Lance na yan. Kasalanan niya to kung bakit nangangapa ako sa nangyari sa loob ng apat na araw. Kasalanan niya to kung bakit tulog ako ng apat na araw.

Tama bang injectionan ako ng hayup na yun? Ngayon sigurado na ako na---

Nasa kanya lang si Henna.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon