CHAPTER 12: LOST HANDKERCHIEF

692 59 6
                                    

Mɪʏᴜᴋɪ Sɪʟᴠᴇꜱᴛʀᴇ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ

"Henna! Lance! Wait naman!" Peste naman talaga.

Sigaw pa rin ako nang sigaw habang naglalakad nang mabilis at hinahabol si Henna at Lance. Pagkatapos kasi naming mabalitaan ang nagyari sa kaklase namin na si Larice ay bigla lalong nagkagulo sa classroom namin kanina. 'Yung guro nga namin ay umalis na rin dahil sa inis siguro. 'Yung iba sinisi pa si Lance kasi kakaiba naman talaga ang itsura niya kaninang pagpasok niya. Halos lahat ng kaklase namin ay lumabas at dumerecho sa sinasabi nilang cr kung nasaan si Larice. Kasama na nga si Lance sa lumabas at hinatak pa niya si Henna kaya naman halos magtaka kami sa dalawang iyon. Kung san sila pupunta, baka dun din sa cr or baka ewan, hindi ko alam.

Lumabas din ako para habulin nga sila. Gusto ko rin naman malaman kung isa ba si Henna sa kanila? Pero imposible kasi nasa classroom naman siya kanina. Ang tanging lumabas lang ay 'yung grupo nila Lorenzo.

"Shit!" Napatigil ako sa paglalakad nang may marealize ako.

Wala rin sa classroom kanina sina Hiro, Dwight, Althea, Andrea, Alexandra, Aiko. Shit sino pa ba? Si Leizy, Devi at Jansen wala rin.

Sunod-sunod ang aking pag-iling-iling sa isipan kong iyon. Hindi maaaring maging killers sila. But what if one of them are the true killers? Napailing ulit ako at nagsimula nang tumalikod pabalik sa classroom namin ngunit pagtalikod ko may nakabungguan ako.

"Hey, Miyuki are you okay?" Pag-angat ko kung sino 'yung nagsalita, si Shannel.

"I'm okay." Sagot ko sa kanya.

Tinanong niya naman ako 'yung nangyari raw sa isa sa kaklase namin, I mean dalawa na. Tsk! Pati sa class A kumalat kaagad.

"Oo nga eh, nakakatakot nga." Sagot ko sa kanya.

Sinabi niya kasi na nakakatakot nga raw dahil nasa paligid lamang daw ang mga killers. Nagpaalam naman siya kaagad sa akin dahil may pinapautos daw sa kanya 'yung guro nila. Tumango na lamang ako sa kanya. Pinagmasdan ko pa ito habang nakatalikod papalayo sa akin. Tumalikod na rin ako para bumalik sa classroom namin nang mapahinto ako kasi may naapakan ako.

Isang panyo?

Nang pulutin ko ito, panyo ito ng isang babae. Binuklat ko naman iyon at nagulat lang naman ako...

May napakalaking letrang S sa gitna ng panyo at kulay pula pa ang pinanggamit na panulat dito. Teka ano 'to!

Dugo?

Mukhang dugo pa ang pinangsulat dito. Nang amuyin ko iyon.

"Arrgh! Bwisit! Ang baho." Dugo nga. Masangsang ang amoy.

Kanino namang panyo ito?

Lumingon ako baka sakaling may nakakita sa akin ngunit wala naman kaya mabilis kong tinupi pabalik 'yung panyo ngunit napatigil din kaagad ako kakatupi nang sa pinakailalim nito ay may nakaburda.

Larice Aquino

Kay Larice ba 'to? Kung ganoon ano 'yung letrang S?

S?

Napalingon ako kung saan nagtungo si Shannel. Hindi ako maaaring magkamali, baka sa kanya galing ito. Letrang S? Maaaring Shannel 'yon at maaaring si Larice mismo ang nagsulat nitong letrang S para sabihin na siya ang gumawa nito sa kanya.









Lᴀɴᴄᴇ Sᴀʟᴄᴇᴅᴏ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ

"Bitawan mo nga ako!"

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon