CHAPTER 20: A BET

569 47 1
                                    

Mɪʏᴜᴋɪ Sɪʟᴠᴇꜱᴛʀᴇ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ

Nakarating kami sa cafeteria na wala pa ring imik si Henna pagkatapos kong sabihin 'yung mga sinabi ko sa kanya lahat. Sa totoo lang, hindi pa naman talaga lahat iyon.

Hindi na niya kailangan pang malaman 'yung iba.

Sinabi niya sa akin kanina na nakapatay na nga siya. Hindi naman ako nagulat sa sinabi niyang iyon kundi nagulat ako dahil sinagot niya talaga ang tanong ko. Akala ko kasi isang irap ang isasagot niya sa akin.

Hindi nga ako nagkamali sa palagi kong pagmamatyag sa kanya. Alam kong sa una pa lamang ay nakapatay na siya dahil bukod sa isa siyang Nishikawa ay may kakaiba pa akong nararamdan sa kanya. Napangisi tuloy ako sa nalaman ko tungkol sa kanya.

Pinagmasdan ko siya---si Henna, isa siyang Nishikawa ngunit hindi ko alam kung kaaway ba siya o kakampi?

"Henna, okay ka lang?" Tanong sa kanya ni Jansen.

Mukha naman kasing hindi siya okay kasi kanina ko pa napansin ang panginginig ng kamay niya.

Bakit kaya?

Pero nung inirapan niya lamang si Jansen ay mukha namang okay pa siya.

Nasa iisang lamesa kami. Ako, Henna, Jansen at Leizy. Wala si Devi dahil napag-alaman naming nasa infirmary pa siya kasama ni Angel. Kinuwento ni Jansen sa amin 'yung nangyari kanina sa kwarto namin. Kaya naman pala ang gulo-gulo ng kwarto namin kanina. May patayan pa lang naganap, este malapit nang nauwi sa patayan.

Sina Althea, Andrea, Alexandra at Aiko naman ay ipinadala sa punishment room.

Dapat lang 'yon sa kanila.

"Naku! Ang sarap talagang patayin ni Althea eh." Nanggigil na saad ni Jansen.

Sa totoo lang, kanina pa 'yan nanggigigil. Sino ba namang hindi manggigigil kung mapahamak ang kaibigan mo diba? Naalala ko na naman tuloy siya.

"De bale, mamamatay na rin naman mamaya ang isa sa kanila." Nagulat kami lahat at napatingin sa sinabing iyon ni Henna kasabay nang pagkakunot ng noo ko.

Papaano siya nakakasigurado doon?

"Well, let's make a bet." Masayang sabi ni Leizy na nagpangisi kay Henna.

"Sa akin si Aiko. Ikaw Miyuki sino sa 'yo?" Tanong ni Leizy sa akin since kaming dalawa ang palaging nagpupustahan pagdating sa mga taong susunod na mamamatay.

Sasagot na sana ako ngunit nagsalita si Jansen.

"Basta si Althea sa akin ha!" Excited na sabi ni Jansen.

Hinihintay ko pa sanang sumagot si Henna ngunit mukhang wala naman siyang balak sumali sa pustahan namin. Kaya nagsalita na lamang ako.

"Si Alexandra."









Lᴇɪᴢʏ Lᴀᴢᴀʀᴏ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ

"Si Alexandra."

SABAY NA SABI NI MIYUKI AT HENNA kaya nagpasalit-salit talaga ang tingin namin ni Jansen sa kanilang dalawa.

"Bakit naman pareho kayo? Meron pa naman si Andrea eh." Parang bata na pagmamaktol ni Jansen.

Nakita ko ang malademonyong pagngisi ni Henna habang nakatungo siya sa pagkain niya. Pagkakunot ng noo naman ni Miyuki ang ipinakita niya. Napakunot noo din tuloy ako kasabay nang pagtitig ko kay Henna.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon