CHAPTER 41: HE

550 37 4
                                    

MIYUKI POV

Kanina pa ang oras ng curfew namin pero hanggang ngayon wala pa rin yung tatlo, sina Althea Aiko at Andrea. Nakapagshower na rin kami lahat pero wala pa nga rin sila. Nakahiga lang kami sa kanya kanya naming higaan. Nandito nga si Leizy sa kwarto namin. Pumunta kasi siya rito sa kwarto namin kanina para alamin kung nandito na ba sina Althea, nagtanong naman ako kung bakit niya hinahanap sila Althea ang sabi niya lang pati raw ang ilang kaklase naming babae ay hindi pa rin nakakabalik pagkatapos ng hapunan namin kanina. Kaya naisip namin na baka magkakasama sila.

Sabay kaming napaupo ni Leizy at napatingin sa may pintuan nang may kumakatok dito. Pati nga si Devi na nasa kabilang kama namin ay napaupo na rin. Naisip ko na baka si manang Angge na yung kumakatok na yun para icheck kung kompleto na ba kami rito sa kwarto. Pero kung si manang Angge yun bubuksan niya naman yun gamit ang susi na dala dala niya kaya imposible na siya yun dahil kumakatok katok nga ito.

"Baka sina Althea na yan." Sabi ni Angel since siya ang pinakamalapit sa may pintuan at nandito kami sa itaas kaya siya ang tumayo at nagtungo sa may pintuan para buksan iyon.

"Ohh ikaw pala Jansen." Sabi ni Angel at nakita nga namin na si Jansen nga ang pumasok.

"Dito muna ako ha? Hindi ako makatulog e." Nakangiting sabi niya.

"Ohh wala pa rin sila Althea?" Pagtataka niya nang makitang wala sila Althea sa mga higaan nila, sumagot naman sa kanya si Angel habang ako ay tumango lang at napagpasyahan nga namin ni Leizy na bumaba na muna at magtungo sa sofa. Pati si Devi ay bumaba na rin.

"Bakit pumunta ka rito mamaya makita ka pa ni manang Angge." Sabi ko sa kanya nang umupo ako sa tabi niya.

"Wala pa naman siya." Nakangiting sagot niya sakin.

Nandito kaming apat nila Leizy, Devi at Jansen sa sofa habang si Angel ay bumalik sa kama niya, may hawak siyang ballpen kaya baka gumagawa siya ng assignment namin, si Henna naman ay nakaupo lang sa kama niya at mukhang nagbabasa siya, may hawak kasi siyang libro. Hindi man lang siya lumilingon dito na para bang wala siyang kasama sa kwartong ito. Sa madaling salita sabihin na lang natin na wala naman siyang pakialam samin.

Kelan ba siya nagkaroon ng pakialam sa isa samin?

"Narinig ko kila Katrina wala pa rin daw sila Vanessa, Yvonne at Mary Gane e."

"Ohh? Baka nga magkakasama sila nila Althea."

Pinag-uusapan namin ang mga kaklase naming nawawala.

Nasan kaya yung mga yun?

Nasa ganun kaming pag-iisip ng biglang may malakas na kumakatok katok sa may pintuan namin. Lahat kami napatingin doon.




HENNA POV

Malakas na katok mula sa pintuan ang nagpawala ng konsentrasyon ko sa pagbabasa, nagpapaantok lang naman ako kaya nagbabasa ako na hiniram ko ito kanina sa library doon sa main building. Pero hindi nga ako makaconcentrate dahil ang iingay ng mga kasama ko at lalo na ngayon na may kumakatok katok sa may pintuan na para bang gusto niyang sirain ang pinto na yun.

"Grabeng katok naman pala yan. Kulang na lang sirain ang pintuan." Sabi ni Jansen na nagtungo sa may pintuan para buksan iyon.

Pagkabukas niya bigla rin naman siyang sumigaw na para bang nagulat siya. Bahagya pa siyang napaatras nang pumasok dito si Althea at itulak siya nito dahil nakaharang siya sa may pintuan.

"Bakit ganyan ang mga itsura niyo?"

Gulat na gulat na tanong ng mga kaklase ko kila Althea kasama nung isang alipores niya. Napansin ko lang na kulang ata sila?

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon