JANSEN POV
Nandito lang kami sa classroom habang naghihintay sa guro namin. Patuloy lang na nag-iingay ang mga kaklase ko. May kanya kanya silang pinag-uusapan. Pinagmamasdan ko lang silang lahat.
Si Lorenzo na katabi si Xander, nag-uusap sila pero tango at iling lang naman ang tanging naisasagot ni Xander kay Lorenzo. Nakakaawa nga siya, hindi na nga siya makapagsalita hindi pa siya makasulat at hindi na rin siya makahawak ng kahit anong bagay.
Ang grupo naman nila Althea, Andrea, Aiko, Dwight, Hiro, Faustino at Kalix ay may pinag-uusapan rin sa harap. Si Iris at Angel naman nag-uusap rin dito sa likuran namin. Pati itong mga katabi ko sina Devi, Miyuki at Leizy ay may pinag-uusapan rin. Si Henna naman at Lance sa likod ko ay tahimik pa rin. Mula pagpasok namin dito hindi ko man lang sila narinig magsalita. Mag-isa rin silang kumain kanina na para bang ayaw nilang makihalubilo sa ibang tao.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano ang sinasabi ni Lance kay Henna nung isang araw.
"Oy tulala ka Jansen?" Nabaling ang atensyon ko kay Devi nang mag snapped siya sa harapan ko.
"Wala naman." Nakangiting tugon ko sa kanya, ngumiti lang rin naman siya sa akin.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na nga ang guro namin. Nagulat naman kami sa mukha niya dahil namumugto ang mga mata niya na para bang bagong iyak lang ito.
"Umiyak ka ba teacher Shara?" Tanong ng isang kaklase namin.
Kahit marami samin ang masasama, meron rin namang mababait samin.
Si teacher Shara ang advicer ng class A at nanay ni Shannel Lim, ng class A.
"Hindi naman, napuwing lang ako." Sabi niya na halata namang nagsisinungaling siya.
"Ginagago mo ba kami?" Walang galang na sabi ni Althea kay teacher Shara.
"Halata namang umiyak ka. Bakit? Hindi mo pa ba nakikita yung isang anak mo?" Nagulat naman kami lahat sa sinabi ni Althea.
"Bakit? Nawawala ba si Shannel?"
"Baka si Shanna ang nawawala?"
"Nakita ko kanina si Shanna eh baka si Shannel nga?"
Nagsimulang mag-ingayan na naman sa classroom.
"Tanga ba kayo? Kalat na kalat na nga sa lahat ng seniors na nawawala si Shannel, tatlong araw na." Sabi ni Althea.
Sumang-ayon naman sina Andrea at Aiko sa sinabi niyang yun.
Tatlong araw na? Ganun na katagal? Bakit ngayon lang namin nalaman ito.
"Palibhasa wala kayong ginawa kundi lumandi."
"Sino kaya ang malanding palaging nagpupunta sa dormitoryo ng mga lalaki kapag gabi?"
"Ikaw ba ang kausap ko Iris?"
"Ohh? Ikaw ba ang tinutukoy ko?"
Nagsimula na namang magbangayan si Iris at si Althea.
Napatigil sila dahil narinig naming lahat na umuungol si Xander nang napakalakas na para bang may gusto siyang sabihin.
"May gusto atang sabihin si Xander."
Base sa mukha niya para bang takot na takot siya.
Nakatayo siya at nakatingin siya kay teacher Shara na para bang kay teacher Shara niya mismo sinasabi ito. Nagsisigawan ang mga kaklase ko kung ano nga raw ang gustong sabihin ni Xander pero since nakatahi ang bibig niya kaya hindi namin siya naiintindihan.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Mistério / SuspenseHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...