KALIX POV
Maaga akong nagising. Naunahan ko pa nga ang bell hudyat sa paggising namin sa umaga. Pero kung sa tingin ko ay maaga na ako ay nagkakamali pala ako. Mas may nauna pa pala sakin.
Si Lance.
Wala na naman siya sa higaan niya. Palagi nalang siyang nauunang gumigising samin at siya rin ang unang aalis kapag natapos na ang buong klase namin.
San kaya siya nagpupunta?
Isa isa kong pinagmasdan ang tatlong kasamahan ko. Tulog na tulog pa rin sila Dwight, Hiro at Faustino. Ang lakas pa ng pagkakahilik ni Dwight. Tsk!
Tumayo ako at napagpasyahan kong tumambay muna sa pasilyo at magsigarilyo muna.
Paglabas ko nga ay wala pa ni isang estudyante ang narito sa pasilyo. Ibig sabihin, wala pang gising sa iba at ako palang ang gising sa kanilang lahat.
Nagsindi ako ng yosi. Nakatingin lang ako sa buong school ground habang iniisip ang nangyari kagabi.
Ang pagpunta ni Miyuki sa kwarto namin.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anong kailangan niya kay Lance at ganun siya kainteresado kay Lance. Ibang iba kasi ang itsura niya kagabi habang kausap niya si Lance. Ang mga tinginan niya kay Lance---ibang iba.
Posible bang silang dalawa ni Lance ay isa sa mga pumapatay?
Posible yun, lalo ngayon ay kokonti nalang talaga kami.
Pagkatapos ng isang linggong patayan ay umabsent naman si Miyuki at bigla nga siyang nagpakita kagabi. Pati kasabay ng pagkaabsent niya ay ang pagtigil ng mga killers na pumatay sa klase namin.
Magkakakonekta kaya ang mga yun?
Ngayong papasok na muli si Miyuki posible kaya na may magaganap na ulit na patayan sa klase namin?
Pero kung wala paring magaganap na patayan, isa lang ang ibig sabihin nun---
Sa darating na katapusan ng buwan, bukas na yun, alam kong may mangyayari na naman na hindi inaasahan. Kaya ngayon palang kailangan kong mag-ingat.
Kailangan kong mag-ingat sa kanilang lahat.
FAUSTINO POV
Bukas na ang pinakahihintay ko. Pool party kami bukas, imposible na hindi pa namin makilala ang mga killers. Ang mga tattoo nila bukas ay siguradong lilitaw na.
Kung kapag swimming class namin ay hindi ko makita kita ang mga tattoo nila dahil hindi naman lahat ng mga kaklase ko ay nagPPE kapag swimming class. Ang iba mas ginugusto na makipagdaldalan at ang iba ay mas gustong natutulog kesa magPE---isa na nga dun si Lance.
Ni minsan hindi ko siya nakitang nagPE. Para bang ingat na ingat siyang maghubad man lang ng damit niyang pang-itaas.
Ang iba pang mga kasama ko ay hindi ko rin naman nakikitang mga nakahubad kapag PE. Kung hindi sila tinatamad magPE ay madalas hindi sila interesado kapag swimming class.
Kaya sigurado akong pinagtatakpan lang nila ang mga tattoo nila kaya ayaw nilang magsipagPE.
Pero bukas, sigurado akong makikilala ko na sila. At kung makilala ko na nga sila, sigurado akong---
Bukas na ang kamatayan ko.
Naglalakad na ako ngayon sa pasilyo. Mag-isa kong tinatahak ang napakaingay na pasilyo. Ang iba ay pinag-uusapan pa rin ang mga kaklase nilang namatay noong nakarang apat na araw.
Sa nagdaan na apat na araw kasi ay sa ibang klase lang ang may namatay. Sa klase namin ay wala. Pero ngayon na panglimang araw na ay hindi ko alam kung ganun pa ba ang mangyayari.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Mystery / ThrillerHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...