CHAPTER 44: HAIR CLIP

529 43 5
                                    

MIYUKI POV

Natapos ang ilang subject namin at ngayon nga naghihintay na lang kami para sa last subject namin which is sa klase ni teacher Joel, ang PE. Maiingay pa rin ang mga kaklase ko habang naghihintay kami kay teacher Joel, wala naman ng bago dun. Ang bago lang marahil ay ang mga kinikilos ni Andrea. Mula ng dumating siya kanina ay palagi na lang siyang nag-iisa. Pansin ko kasi kahit lapitan siya ng mga kaibigan niya ay umiiwas siya rito na para bang mas gusto niya pang mag-isa. Ang pinagtataka ko pa kung bakit parang balisang balisa siya sa sarili niya. Pag kinakausap siya nila Althea, hindi man lang siya sasagot na para bang hindi niya naririnig sila Althea o kahit ang ingayan ng mga kaklase ko. Palagi kasi siyang natutulala. Kahit sigaw sigawan siya nila Althea ay parang hindi niya ito naririnig. Isama pa sa pinagtataka ko ay ang pakikitungo sakin ni Henna. Mukha kasing bumait siya sakin samantalang sa iba ay ganun pa rin ang pakikitungo niya. Sa akin kasi hindi na niya ako iniirapan, tinatarayan at sinusungitan. Basta titingnan niya lang ako ng walang emosyon.

Dahil ba nalaman ko na ang tunay na pagkatao niya kaya bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya sakin?

Napatingin ako sa taong nakatayo sa harapan namin. Nakaharap siya kay Leizy at nakalahad sa harap ni Leizy ang hawak hawak niyang bulaklak. Nakatingin lang kami sa kanya, miski si Leizy ay nakatingin lang sa kanya. Napahawak na naman siya sa likod ng ulo niya.

"Oy Leizy tanggapin mo na." Kinikilig na sabi ni Jansen.

"Oo nga Leizy." Sang-ayon naman ni Devi.

Ang ilang mga kaklase namin ay nakatingin din dito samin lalo na ang grupo nila Althea.

"Niyayaya mo yang loser na yan Faustino? Eww!"

Parang nandidiri pa na sinasabi ng grupo nila Althea.

"Palibhasa wala pang nagyayaya sayo Althea."

Nagtawanan naman ang ilang mga kaklase ko sa sinabi na yun ni Iris. Syempre nagsisisigaw na naman si Althea sa asar. Bumalik si Faustino sa upuan niya nang wala naman siyang napala kay Leizy. Natatawa tuloy ako sa kanilang dalawa. Aso't pusa kasi sila tapos ngayon biglang magyayaya si Faustino na maging date si Leizy sa gaganapin na pagdiriwang? Ay ewan ko sa kanilang dalawa! Pupwede ka naman dumalo kahit wala kang date. Ang dami talaga nilang alam.

Ilang minuto ang lumipas at patuloy lang sa pag-iingay ang mga kaklase ko. Pinag-uusapan nila ang nalalapit na pagdiriwang, sa sabado na yun ng gabi. Habang ang iba naman ay pinag-uusapan ang magiging PE namin mamaya. Naririnig ko pa ang ilang lalake na pinag-uusapan ang mga babae na makikita na naman daw nilang nakaone piece. Napangiwi na lang ako.

MGA MANYAK!




HENNA POV

Ang iingay ng mga walang kwentang kakalase ko. Nakakairita! Nakakarindi! At nakakapunyeta! Wala ba silang katapusan sa pagdadaldalan nila ng walang mga kwentang bagay? Bwisit!

Buti pa tong walang kwentang presidente ng walang kwentang klase na to ay nagagawa pa ring makatulog kahit ganito kaiingay ang mga nasa paligid niya. Bilib din ako sa katamaran niya.

"Gusto ko makita na nakabikini si Henna."

Kusa akong napatayo nang marinig ko iyon. Nilabas ko agad ang latigo ko at ipinulupot iyon sa leeg ng isang kaklase ko. Nagulat at nagsigawan ang mga kaklase ko sa ginawa ko na yun.

"Bakit siya may latigo?"

"Oo nga palibhasa mga mamamatay tao ang angkan nila. Isang Fujiwara at isang Nishikawa."

Bulong bulungan sa paligid ko. Pero wala naman akong pakialam sa mga walang kwentang pinagsasabi nila.

"Anong sinabi mo? Hindi ko narinig." Sabi ko sa gagong kaklase ko na lalake habang hawak hawak ko ang latigo na nakapulupot sa leeg niya.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon