Chapter 26: Regret and Separation

22.1K 454 82
                                    

Chapter 26: Regret and Separation

Llyod's POV

"SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, Hanna? Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?"

Gusto kong batukan ang sarili ko sa tinanong ko.

Paano kung bigla na lang magbago ang isip niya dahil sa tinanong ko? Paano kung bigla na lang siyang makapag-isip nang tama at bumalik kay Viel? Paano kung bawiin niya 'yong sinabi niya sa akin noong nakaraang araw at iwan ako?

Pero gusto ko ring malaman ang sagot niya. Gusto kong makasiguro na hindi na niya babalikan pa si Viel at na sa akin na talaga siya. Akin.

"Just drive, Llyod. Wala ako sa mood na isipin siya ngayon. Tapos na ako sa kanya."

The coldness on Hanna's voice sounds different pero alam kong siya pa rin at boses niya pa rin ang narinig ko.

Sandali lang akong napalingon sa kanya bago ko muling binalik ang atensyon ko sa pagmamaneho.

Ilang minuto na ang nakakalipas magmula nang lumabas sa bahay nila ni Viel si Hanna. Gusto ko sana siyang samahan sa loob kanina to give Viel a one of a hell punch too pero nagpumilit si Hanna na siya na lang ang haharap kay Viel.

I can see pain in her face nang lumabas siya doon kaya hindi na ako pumalag nang sugurin niya ako nang mahigpit na yakap at saka siya nagyaya na umalis na sa lugar na iyon.

May isang bahagi sa loob ko ang naawa sa sitwasyon nila ngayon pero mabilis ko na ring inalis iyon sa isip ko.

Hindi ako pwedeng makaramdam ng awa sa ginawang pananakit ni Viel kay Hanna. Hindi dapat ako makaramdam ng konsensya dahil kinuha ko si Hanna mula kay Viel.

"Will you do me one last favor, Llyod?"

Bigla kong hininto ang sasakyan nang nasa malapit na kami sa intersection saka ako napatingin sa direksyon ni Hanna at pinanuod siya na humarap sa akin.

"Anything, Hanna. Ano ba iyon?"

"Will you marry me?"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

"W-what—"

"I'm serious, Llyod," sabi ni Hanna habang titig ang walang emosyon niyang mata sa akin. "I want you to marry me. So marry me."

"Pero Hanna hindi ganoon kadali ang pabor na hinihiling mo. Hindi—"

"I thought you love me, Llyod? Bakit nagdadalawang-isip ka pa na pakasalan ako? You said you love me. Then why can't you say yes and marry me?"

"God, Hanna!"

Bigla akong napasuklay ang isa kong kamay sa buhok ko bago ko kinuha ang mga kamay niya at pinatong iyon sa ibabaw ng mga binti ko.

"God knows, Hanna how much I wanted you. How much I love you and how I always dream of being married to you."

"Then what's stopping you, Llyod?"

Napatitig na lang ako sa mukha niya.

Hindi ganito magsalita ang Hanna na nakilala ko noon. Pakiramdam ko kinakausap ko lang ang kamukha ni Hanna at hindi si Hanna mismo kahit pa nga iisang tao lang naman sila.

She's so emotionless. So heatless. So dull and dead. And I curse Viel for doing these cruelty to Hanna. On my Hanna.

"You're single. I'm single. So let's marry one another."

Biglang bumusina ang mga sasakyan sa likod namin nang magkulay berde na pala 'yong ilaw sa may intersection.

Pero hindi ko sila pinansin. Hindi ako gumalaw. Hindi ko inalis ang tingin ko sa mukha ni Hanna.

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon