Pasensya na po sa mga typos! HAPPY READING! \(^______^)/
Chapter 44: Island Adventure
Hanna's POV
"WELCOME TO THE SEVENTY SIX HUNGER GAMES!"
Lahat kami tahimik lang na nakatingin kay Renji habang masaya itong tumatawa mag-isa. Nakalagay pa ang mga kamay nito sa baywang nito at parang baliw na tumatawa sa harapan naming lahat.
Mabuti na lang talaga at nasa ibang isla kami mananatili malayo doon sa mainland ng resort at kami lang ang nandito nito sa isla na 'to ngayon. Dahil kung nagkataon na may kasama kaming ibang tao, paniguradong 'di namin kakayanin ang kahihiyan.
"Wala na. Natuluyan na 'to," bulong si Sean sa amin.
"Ang bilis mo kasi magmaneho kanina! Naiwan yata 'yung utak niyan sa daan."
"Tara balikan natin!"
"Gago ikaw na lang! Manhid na puwet ko. Anim na oras na byahe na naman, p're! Okay ka lang?"
"Just tell us what you want, bastard!" sigaw ni JD kay Renji na nagpahinto sa pagtawa nito. "Ano na naman ba 'to?"
"Ikaw naman, JeeDee. High blood ka na naman. Oo mamaya, nakakalabit mo na naman si Rina."
Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Rina dahil sa ginawa ni Renji sabay binato naman siya ng bato na pinulot ni JD sa puting buhanginan na inaapakan namin.
Nandito kami ngayon sa isang island resort sa La Union and I must say that this place surely world-class pero gaya nga nang sabi ng may-ari ng resort na sumalubong sa amin kanina, hindi pa ganoon kakilala ang resort na ito at medyo desserted pa ang ibang bahagi ng island na malapit sa main land kaya hindi pa gano'n kadami ang turista na pumupunta sa kanila.
Now I wonder paano nalaman ni Renji ang lugar na ito at base sa napansin ko kanina, parang close sila no'ng may-ari.
At bakit wala man lang akong makita na kahit anong cottage sa island na 'to?
Saan kami matutulog nito? sa isip ko.
"Gaya nga nang nasabi ko kanina, nasa hunger games kayo," sabi ni Renji matapos nitong makabawi sa pagkakabato sa kanya ni JD. "Hoy, JD! Birthday ko. Sumusobra ka na! Masakit mabato ah!"
"Gusto mo pa ng isa?!" inis na sabi ni JD na bibihira lang mag-Tagalog.
Mukhang napuno na talaga ni Renji si JD.
"Ano na naman ba kasing gusto mo, Renji?" si Viel na ang nagsalita. "P'wede bang doon na lang tayo sa main land? Saan tayo matutulog dito? 'Wag mong sabihin na papatulugin mo 'yung mga bata sa buhanginan?"
"Hunger games nga 'to 'di ba?" sabi ni Renji sabay ngumiti, ngiting halatang may pinaplanong masama. "Magpapatayan kayong lahat hanggang sa isa na lang ang matira at tatanghaling champion."
"Tara na, Ronan, balikan na natin ang utak nito. Mamaya mo na isipin 'yang puwet mo."
"Oo nga. Umuwi na rin tayo. Walang kwenta ang lakad na 'to."
"Are out of your mind, Oji?"
"Retard."
"Baliw ka na talaga."
"I wasted my precious time coming to this trip. This was your fault, Ronan!"
"O? Ako na naman?"
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...