Chapter 13: Welcome back leader!
Llyod's P.O.V
"Nandaya ka na naman kambal!"
"Anong nandaya?! Nanalo talaga ako! Kaya magbyad ka na!"
"Ayoko! Nandaya ka na naman eh!"
Bakit ba ang iingay ng mga 'to? Nakakainis! At ang nakakapagtaka pa...
Bakit kami nandito?!
"Nakakamiss din pala ano? Dami kong naaalala sa lugar na 'to..."
Napatingin ako kay Kyle na nakatayo na sa tabi ko. Nakalagay ang mga kamay nya sa may bulsa ng pantalon nito. Nakita ko pa yung pagbuntong-hininga nya.
"Kailan kaya babalik sa atin si Viel ano? Nakakamiss! Hindi man lang nag-imbita yung gago dun sa kasal nya! Tsk! Kakainis!"
Inalis ko yung tingin ko sa kanya saka ko pinagmasdan yung buong lugar na 'to. Yung dating tambayan namin nung nasa college pa lang kami nila Viel.
Ito yung hide-out na kami mismo ang gumawa.
Isa syang lumang warehouse ng mga alak. Dati 'tong pagmamay-ari ng dating mafia group sa lugar na 'to. Hinamon sila ni Viel ng away noon at sinabi na kapag kami ang nanalo, sa amin mapupunta yung warehouse nila pati yung alak na laman noon.
Nung una, inisip ko na kabaliwan yun. Dahil una, mafia sila, may mga baril. Kami? Wala. Kamao lang meron kami. Inisip ko pa noon na gusto lang mandamay ni Viel sa pagpapakamatay nya. Kaya lang, kapag siniswerte ka nga naman, nanalo pa kami. Kaya nakuha namin ang lugar na 'to.
Pero hindi naging ganoon kadali ang lahat. Lagi kaming binabalik-balikan ng mga mafia na yun para bawiin yung teritoryo nila. Kaya araw-araw halos masira na 'tong warehouse. At nung huling laban nga namin sa kanila, tuluyan 'tong bumagsak.
But then, we try to renovate the whole place using our bare hands and labor. Kaya ganoon na lang ang saya namin nung mabalik namin sya sa ayos. Hindi man kasing ganda ng dati pero okay na naman. Pwede ng pagtyagaan.
Masaya kami noon. NOON. Nung mga panahon na Viel is still my best friend.
If Viel didn't involve Bettina...we still might be—
"Lutang ka na naman Llyod!" pumitik-pitik pa si Kyle sa harap ko.
"Tigilan mo nga ako..." inis na sabi ko.
"Hindi mo ba na-mimiss si Viel?" tanong nya.
"Si Hanna yung na-mimiss ko at hindi si Viel." tsk! Bakit ba ang usisero ng taong 'to?
Viel took everything away from me. At darating din ang araw na makakabawi ako sa lahat ng naging atraso nya sa akin.
"Wa!"
Muli akong napatingin dun sa baliw na kambal na sila Rye at Zed nang marinig ko yung pag 'WA' nila na hindi ko maintindihan yung ibig sabihin. Alien language siguro. Tsk.
"VIEL!!!"
"Tigilan nyo nga ako!"
Sabay kaming napalingon ni Kyle sa lugar na tinuro at tinakbo ng kambal.
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...