Chapter 43: Birthday Getaway
Hanna's POV
"MOMMY, where are we going?"
Napatingin ako kay Arianna nang bigla na lang niyang hilain 'yung laylayan ng damit ko para kunin ang atensyon ko habang pinapanod si Viel na magbuhat palabas ng mga dadalhin namin sa beach kung saan balak magcelebrate ni Renji ng birthday niya.
"Mommy don't know neither, princess," sabi ko matapos kong umupo sa harapan niya para magtapat kami nh tingin. "But all I know is we are going to see the beach."
"A beach, Mommy?!" biglang lumiwanag 'yung mga mata ni Arianna. "Can we see dolphins there?"
Natawa na lang ako sa sinabi ni Arianna bago ako napapangiting umiling.
"No, baby. We won't see dolphins there."
"Why, Mom? We saw dolphins last time we went to beach right? So why can't we see them now? I want to see Mister Dolphin!"
Hindi ko alam at bakit sinumpong na naman ng pagiging brat niya si Arianna.
It was all because of Llyod's fault dahil masyadong ini-spoil ang anak namin. At ngayong wala siya rito, hindi ko alam kung paano papakalmahin si Arianna.
Yes, my princess listens to me pero mas nakikinig siya kay Llyod. Isang lambing lang ng Daddy niya sa kanya, tatahan at kakalma na agad siya samantalang kapag sa akin, papahirapan pa niya ako at papagurin bago sumunod.
Llyod...
Bigla na naman akong sinisipa ng guilt ko. Hindi ito ang tamang oras para magbeach at sumama sa lakad ng barkada namin ng ex-husband ko.
This will be the last, Hanna. Umayos ka na! sermon ko pa sa sarili ko.
"Mom! I want to see dolphins!"
"But baby-"
"You want to see dolphins that bad, little girl?"
Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Viel saka ko siya nakita na nakaupo na rin sa tabi ko sa harap ni Arianna.
"Yes," biglang nagbago ang boses ni Arianna sabay biglang nagbago ang ekspreysyon nito habang nakatitig sa mata ni Viel. "Can we see Mister Dolphins, uncle Viel?"
Matapos maglaro at harutan ni Viel at Arianna sa buong bahay kagabi, nakuha na ni Viel ang loob ng anak ko at pinakilala ang sarili nito bilang kaibigan ko at na p'wede rin siyang tawaging uncle ni Arianna.
Magkakatabi rin kaming natulog sa master's bedroom ng bahay at isa pang nakakagulat, mabilis na nakatulog si Arianna habang karga-karga ito ni Viel kagabi upang ihele.
Hindi nakakatulog si Arianna nang wala sa tabi niya ang Daddy niya kaya laking palaisipan sa akin kung paano nagawa ni Viel na patulugin si Arianna sa sandaling oras lang.
Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na nandito si Viel sa tabi ko para tulungan ako kay Arianna o makonsensya kasi alam ko na hindi dapat ganito ang ginagawa namin ngayon. Na para bang naglalaro kami ng bahay-bahayan at na isa kaming masayang pamilya.
Pero alam ko naman na hinding-hindi mangyayari iyon.
Ang isa pang kinakatakot ko ay si Arianna mismo. Natatakot ako ba baka sobra siyang ma-attached kay Viel at na baka mahirapan ako na paghiwalayin sila oras ba bumalik na kami sa ibang bansa.
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...