A/N: Parang nakalimutan ko yatang pasalamatan 'yung kaibigan kong nurse na si April Arezza sa lahat ng medical term na binigay niya sa akin at pinaliwanag niya sa akin. Anyway, salamat April Boi! Love you!
P.S. Ang dengue po ay nangangailangan ng PLATELET kapag mababa ang platelet mo (once na may dengue ka), malaki 'yung chance na manganib ang health mo or worst, mamatay ka. Hindi ko sinulat ang dengue part na ito nang walang further research since my lil' bro and my Mom ay naapektuhan din ng sakit na ito last year so may background talaga ako sa nangyayari. And ang platelet po ay nakukuha lamang sa dugo. At hindi ka p'wede magdonate ng dugo kapag hindi same blood type yung platelet na pagbibigayan mo--according sa explanation sa akin ng friend ko na nurse. So be informed po and happy reading! :)
Chapter 54: Thicker than Water
Hanna's POV
"DOK! DOK!"
I almost tripper while running hysterically sa buong ospital para hanapin 'yung doktor na tumitingin kay Arianna kanina na nakalimutan kong itanong ang pangalan.
Ikalawang araw na ni Arianna dito sa ospital at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagiging okay ang lagay ng anak ko. Kahit nga ang pababa ng lagnat niya kahit isang degree lang ay wala.
Mas lalo lang umiinit ang pakiramdam ni Arianna at ngayon nga ay nagdudugo na rin ang ilong nila at umubo na may dugo.
"Doktor!" malakas na sigaw ko nang sa wakas ay makita ko na siya malapit doon sa information.
"O, Hanna—I mean, Misis Miranda? What's the problem?"
"Please! Tulungan mo ang anak ko!" I beg pathetically sa kabila nang nanlalabo kong mata dahil sa mga luha na kanina pa patak nang patak sa lupa ko. "Nagdudugo na ang anak ko. Please! Ano bang nangyayari? Tulungan n'yo siya! Please!"
"Nurse, maghanda na ng stretcher sa pasyente! Kailangan na niyang malipat sa emergency room!"
Tumabi na lang ako sandali sabay mabilis na sumunod sa lakad-takbo na ginagawa ng doktor habang papunta kami ngayon sa kwarto kung nasaan ang anak ko.
Bakit kailangan mangyari 'to kay Arianna? Bakit sa kanya pa?
Bakit hindi na lang ako? Just take me! Huwag lang ang anak ko.
"Nasaan na ba kasi si Xander? Hindi pa rin ba siya nakakahanap ng donor?" dinig kong tanong ng doktor sa sarili niya.
Balak ko sana siyang tanungin sa kung ano bang ibig sabihin niya doon sa donor na binaggit niya kaya lang nasa tapat na kami ngayon ng kwarto ni Arianna.
"Llyod."
Mabilis akong lumapit sa kanya at agad naman niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap at hinalikan ang tuktok ng ulo ko habang tahimik naming pinapanood ang paglilipat ng mga nurse sa anak namin doon sa stretcher.
"Don't take my daughter yet. Please," mahinang dasal ko.
"Huwag kang magsalita ng ganyan, Hanna. Malakas si Arianna. Alam kong malalampasan 'to ng princess natin."
Alam ko na nagpapakatatag lang sa akin si Llyod dahil pakiramdam ko, ano mang oras ngayon ay babagsak din ang katawan ko.
Alam kong sinusubukan niya lang kumalam kahit na nanginginig na ang mga kamay niya na may hawak sa akin ngayon sa kaba.
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...