Chapter 58: Meeting
Hanna's POV
"PRINCESS, stop crying please!"
"No! I want to go home! I want to go home with Daddy!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil hindi na maawat sa pag-iyak si Arianna magmula nang mag-board na si Llyod sa eroplanong sasakyan nito.
Nagiging agaw-eksena na rin ang malakas na pag-iyak ni Arianna dahil lahat ng mga tao na nasa loob ng airport ay nakatingin na rin sa amin.
May lumapit na nga sa amin na security kanina at sinabihan kami na lumabas na dahil nakakaistorbo kami sa ibang pasahero. Humingi na lang ako ng despensa sa kanila at sinabi na lalabas na kami pero hanggang ngayon ayaw pa rin magpatinag ni Arianna.
Ngayon nagsisisi ako na hindi ko tinanggap ang alok ni Kuya na samahan kami sa paghatid kay Llyod.
"I want to see my Daddy!"
"Daddy will go back after a week, baby. We will see him again later okay?"
"No! I want to see my Daddy now!"
Mas lalo pang lumakas ang iyak ni Arianna at hindi ko na talaga alam ang gagawin ko para mapatahan siya at mapabitaw siya doon sa yakap-yakap niyang bakal na paa ng isa sa mga upuan na nandito sa loob.
"Seems like you can't even tame your daughter. Now I wonder if you're suit to become a mother for that child."
Napalingon ako sa nagmamay-ari ng boses na iyon at nanlaki ang mata ko nang makita ang isang sopistikadang babae na may glamorosang damit at naka-shade na may anim pang naka-three piece suit na security sa likod nito.
Kahit hindi pa niya alisin ang salamin na suot niya, alam kong siya iyon.
Nabigla ako nang biglang may sumugod ng yakap sa akin saka ko nakita si Arianna na takot na takot habang nakatingala doon sa babae at mga kasama nito na nasa harapan namin ngayon.
"That's the birthday witch, Mommy," sabi pa sa akin ni Arianna saka mas himigpit ang yakap niya sa akin.
Ginantihan ko na lang ang yakap niya at pinatahan ito.
"Ganyan ba ang tinuturo mo sa anak mo? Ang tawagin akong witch?"
Inis akong napatingin ulit sa mukha niya saka tumayo nang maayos sa harapan niya habang buhat si Arianna.
"Wala akong tinuturo na kahit anong masama sa anak ko."
"Oh really? Aren't you using that child to get too personal with the people you don't like?"
"Alam n'yo po," sarkastikong sabi ko. "Kung may taon man akong hindi gusto, hindi ko tinuturo sa anak ko na pati siya ay magalit sa tao na iyon."
"So, are you trying to say that you hate me?"
Pinili kong hindi na lang siya sagutin.
"Don't worry, I feel the same. And rest yourself, I will never like you for my son."
"Kung ano man ang nangyari sa amin ng anak n'yo, matagal nang tapos iyon," madiin pa ring sabi ko. "Kaya mawalang galang na ho, mauuna na kami ng anak ko."
Dere-derecho ko silang nilagpasan ng mga guard niya pero bago pa kami tuluyang makalayo ay muli ko na namang narinig ang boses niya.
"We will talk some other time, Misis Miranda," sabi niya pero hindi ko pa rin siya nilingon. "We'll also talk about the custody for that child."
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...