Chapter 59: Ice Cream For Ice Cream
Hanna's POV
BAKIT SA lahat pa nang araw at pagkakataon na magkikita kami ulit ni Viel, bakit ngayon pa?
Bakit kung kailan kasama ko si Arianna? Ang anak niya?
Sinundan niya ba kami? Minamanmanan niya ba kami?
Ayokong mag-isip nang mga ganoong bagay but knowing Viel, alam kong kaya niyang gawin ang mga bagay na iyon.
He loves stalking more than anyone else.
"Mister Pilot, eat my ice cream!"
Hindi na nagsalita pa si Viel at basta na lang yumuko kay Arianna sabay ibinuka ang bibig nito para maisubo sa kanya ng anak ko ang ice cream na kinakain nito kanina.
Anak n'yo, Hanna! Anak n'yo! Huwag mong solohin ang bata lalo na sa harapan ng tatay niya! sermon ng boses sa utak ko.
But to Arianna, Llyod is always her favorite Daddy. At sa tingin ko mahihirapan akong ipaliwanag sa kanya ang napahirap naming sitwasyon kahit pa dumating na siya sa tamang edad kung saan mas maiintindihan na niya ang lahat.
Kahit nga ako hindi malaman kung bakit ako napunta sa ganitong kakomplikadong sitwasyon.
No! Of course you know! Because you're a coward bitch, Hanna!
Napabuntong-hininga na lang ako saka napangalumbaba.
Yeah. I'm a coward bitch. Needless to what I'll reason, this is all my fault.
All my cowardness fault.
"Mommy, why are you sighing?"
Para akong nagising sa malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Arianna saka ako napatingin sa kanya lalo na nang hawakan pa ng maliit niyang kamay ang isang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.
"Are you alright, Mommy?"
Napangiti ako sa anak ko.
Kahit na napaka-spoiled ng bata na 'to—dahil na rin sa magaling na pangungunsinti ng ama niya—she's still a real sweetheart.
Wala siguro ang hindi magkakagusto sa anak ko na ito.
Wala maliban doon sa nanay ni Viel.
Nang maalala ko na naman ang pagkikita namin kani-kanina lang ng nanay niya sa airport ay wala sa oras na bigla akong napatingin sa direksyon niya.
At bigla na lang nanlaki ang mga mata ko nang makita na nakatingin na pala siya sa akin.
Mabilis kong inilayo ang tingin ko sa kanya. At kahit na hindi ko gusto na magkaroon ng ganitong reaksyon, I blushed heavily like a teaanage girl in front of her long-time crush.
Pull yourself together, Hanna! Ano ba? Uulitin mo na naman ba ang mga maling ginawa mo noon? Magdadagdag ka na naman ba ng problema sa mga problemahang kinakaharap mo ngayon? sermon ko sa sarili ko.
And why is it so hard to resist Viel?
Why do I keep having this feeling for a wrong man?
"Maybe Mommy need some ice cream!"
Muli akong napatingin sa anak ko saka ko siya pinanood na marahang tinulak ang bago ng ice cream nito sa harapan ni Viel.
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...