Mag-ready po ng mga pamunas d'yan para sa prusisyon ni St. Renji (lol!) Seryoso. Baka may maiyak sa inyo sa part na 'to. I-ready ang sarili at happy reading po at LEAVE COMMENTS PO!
Chapter 66: Give Him Up
Erika's POV
"NAPAKAKAPAL TALAGA ng mukha ng babaeng iyon kahit kailan," inis na sabi ko matapos kong ihagis sa pader ang cellphone ni Viel at pinanood ang mga basag na parte noon sa sahig. "Damn! If I could just kill her! She pisses me off!"
Napakagat ako sa kuko ko sa sobrang inis at hindi na pinansin ang paglapit at pagtatanong ng isang katulong dito sa bahay ni Viel na si Tita mismo ang pumili para mag-asikaso kay Viel at para mabantayan ang mga kilos nito kung sakaling wala ako.
Magmula nang umalis si Viel nang alanganing oras nang gabi na iyon, pinamanmanan ko na siya sa isa sa mga bodyguard ni Tita Margox at doon ko nalaman na tama pala ang hula kong nakikipagkita na naman si Viel doon sa malanding Hanna na iyon.
For pete sake! That woman has a child already! Ano pa bang hinahabol ni Viel sa kanya?
Hindi ako tumigil sa pag-iimbestiga at lihim na pagpapasunod kay Viel para malaman kung ano pang kalokohan ang ginagawa niya habang nakatalikod ko.
Then I found out that that bitch daughter was Viel's daughter also.
Hindi ko malaman kung paano nangyari iyon dahil ayaw ibigay sa akin ng ospital kung saan dinala ang bata ang mga impormasyon na gusto ko dahil sa rules ng ospital at para na rin daw sa privacy ng bata at ng pamilya niya.
Well fuck them all! Hindi nila kilala kung sino ang binabangga nila!
I'm Erika Crew! My family is filthy rich! At kung gugustuhin ko, kaya kong ipasara nang tuluyan ang ospital na iyon.
But someohow, some powerful persona is backing that hospital and it's worker at isa lang naman talaga ang kontrabida sa lahat ng plano namin ni Tita.
"Nakakainis talaga ang Prime Minister na iyon!"
Kung wala lang talaga siya sa landas ko, mas mapapadali ang trabaho ko at mas mabilis kong mailalayo si Viel sa Hanna na iyon.
But then, I'm just glad that Viel choose to leave this place.
Hindi ko alam kung saan siya pupunta o kung ano na namang gagawin niya.
Basta 'wag lang talaga siya magpapakita ulit sa Hanna na iyon at doon sa anak niya at masaya na ako.
I'm fine as long as Viel is still my husband and that bitch Hanna will never steal him away from me kahit ano pang gawin niya o kahit na humingi pa siya ng tulong sa nakakainis na Renji Saionji na iyon.
As long as Tita Margox stays by my side, wala akong magiging problema kay Viel o kahit doon sa anak niya kay Hanna.
Makakaya ko kung kukunin ni Viel ang anak niya kay Hanna at iwan dito sa bahay.
'Wag na 'wag lang talaga siyang babalik sa Hanna na iyon or else I will kill her myself for real!
"Senyorita Erika, may bisita po kayo."
"At sinong nagsabi sa'yo na magpapasok kayo ng bisita?"
"Pero, senyorita..."
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...