Chapter 47: Torn
Hanna's POV
"LLYOD."
Para akong binuhusan nang sobrang lamig na tubig nang makita ko siya na lumitaw sa harapan ko. Halos nahirapan pa nga ako na bigkasin ang pangalan niya dahil sa bigla na lang naging blangko ang utak ko sa pagdating niya.
At mas lalong hindi ko alam ang susunod kong gagawin habang nagpapalipat ang tingin ko kanila Llyod at Viel na ngayon ay nagpapalitan lang ng tingin. Ni hindi ko nga mabasa ang emosyon ng kahit na sino sa kanila. Basta nakatingin lang sila sa isa't-isa.
Pero alam ko na kung ano man ang mensahe ng tinginan nilang iyon ay hindi maganda.
"Princess," muntik pa akong mapatalon sa gulat nang biglang basagin ni Llyod ang katahimikan ng paligid. "Can you buy Daddy some drink? I saw a vending machine over there. Can you ask one of your uncle to help you buy one?"
"Sure, Daddy!" masayang sagot ni Arianna sabay nagtatakbo palayo sa amin habang tinatawag ang pangalan ni Renji.
At nang tuluyan nang mawala si Arianna sa harapan namin, muli na namang nanumbalik ang katahimikan nilang dalawa.
"Ah... Llyod, let me-"
"Wala kang dapat ipaliwanag, Hanna," sabi ni Llyod na nagputol sa mga sasabihin ko at nang hindi man lang nagawang lumingon sa akin dahil nanatili kay Viel ang tingin nito. "Naipaliwanag na sa akin ni Renji ang lahat. Na tinawagan ka ng lalaki na 'to para magpatulong sa naging aksidente niya sa daan," pagdidiin niya sa salitang iyon.
"Llyod-"
"Hanna," si Viel naman ngayon ang nagpahinto sa akin. "Umalis ka muna. Isama mo na rin si Arianna. May pag-uusapan lang kami ni Llyod."
"Pero Viel..."
"Sumunod ka na lang, Hanna," si Llyod naman ngayon ang nagsalita. "Umalis ka muna."
Hindi ko alam ang gagawin ako. God knows they might kill one another oras na umalis ako sa tabi nilang dalawa. Pero hindi ko rin naman alam ang gagawin ko o sasabihin ko kung mananatili ko.
"Hanna."
Biglang nagtama ang tingin namin ni Llyod saka siya ngumiti sa akin sa gulat ko.
"Sige na. Wala akong gagawing masama sa kanya. Mag-uusap lang kami."
"Pero Llyod..."
"Sige na," sabi ulit niya na may halong tono ng pakikiusap. "Umalis ka muna. Samahan mo na si Arianna."
Matagal akong napatingin sa mata ni Llyod saka ko binaling ang tingin ko kay Viel na sinuklian niya ng isang tango.
Mabigat akong napabuntong-hininga saka sila muling tinitigan bago ako nagsimulang maglakad papalayo sa kanila.
Sana lang talaga walang mangyaring masama sa kanila dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nagkasakitan na naman sila nang dahil sa akin.
This is the consequences you have to pay, Hanna. So, bare with it!
Muli na lang akong napabuntong-hininga saka tuluyang lumabas ng hotel para hanapin si Arianna.Viel's POV
"ANONG GINAGAWA mo dito?"
"Bakit? Sa'yo ba ang resort na 'to para pagbawalan mo ako na pumunta dito?"
"Alam mo kung anong ibig kong sabihin kaya 'wag na tayong magtanga-tangahan pa dito, Llyod."
Nawala 'yung ngiti sa labi niya saka biglang sumeryoso ang tingin niya sa akin.
"Ganoon naman pala eh. Ikaw naman ang tatanungin ko. Ano bang ginagawa mo, Viel?" mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. "May usapan na tayo noon 'di ba? Natatandaan mo? Sa harap ng datin nating barkada? Kaya ano 'tong ginagawa mo ngayon?"
"Gusto ko nang bawiin si Hanna. Kalimutan mo na 'yung sinabi ko sa'yo noon. Hindi ko pala siya kayang ipaubaya ulit sa'yo."
Nang-uuyam na tumawa si Llyod saka muling sinalubong ang tingin ko.
"Ang galing mo rin pala ano? Matapos mo siyang ipaubaya sa akin, bigla mo na lang babawiin dahil lang sa nagbago ang isip mo. Ano bang tingin mo kay Hanna? Laruan mo na p'wede mo na lang bawiin matapos mong ipahiram sa iba?"
"Wala akong sinasabing ganyan."
"Ah talaga?" nang-uuyam na sabi niya. "Bakit iba ang dating sa akin ng sinasabi mo, Viel?"
"Basta hiwalayan mo na si Hanna. Tapos ang usapan," sabi ko saka tumalikod.
"Anong tingin mo sa akin, Viel? Utusan mo na agad susunod sa lahat ng iuutos mo?"
Muli akong napaharap sa kanya.
"Hindi ko ibabalik sa'yo si Hanna," seryosong sabi niya. "Sa akin na siya ngayon kaya wala kang karapatang bawiin ang hindi na naman sa'yo."
"Hanna is mine first!" madiing sabi ko sa kanya.
"But I married her first... for real," sabi niya saka niya itinaas sa akin 'yung kamay niya kung saan may suot na wedding ring ang isang daliri niya. "Nakikita mo 'to, Viel? Totoo 'to. Hindi 'to basta singsing lang na sinuot ko sa babaeng mahal ko para lang takasan 'yung problema ng pamilya ko at takbuhan 'yung babaeng ipinakasal sa akin-"
Hindi ko na siya hinayaan na matapos sa sasabihin niya dahil mabilis ko siyang sinuntok sa mukha niya na ikinatumba niya sa sahig.
Wala na akong pakialam kung nakuha na naming dalawa ang atensyon ng ibang bisita sa hotel o maging ang pagtawag ng receptionist sa security para pigilan kami.
Kung ano lang masusunod, kanina ko pa gustong basagin ang mukha ni Llyod.
Ilang taon niyang nakasama si Hanna. Ilang taon niyang tinago sa akin 'yung babaeng mahal ko at nagkaanak pa sila.
Oo alam ko na pinaubaya ko na sa kanya si Hanna noon dahil alam ko na kahit kailan, hindi kami p'wedeng maikasal dahil sa commitment ko sa pamilya ko at kay Erika.
Pero wala akong sinabi na kunin niya sa akin si Hanna at angkinin na kanya.
Ilang taong naipon ang galit ko sa tao na 'to na inakala ko kaibigan ko pero hindi naman pala.
Kung legal lang talaga ang pumatay, matagal ko na sanang pinatumba si Llyod.
"Alam ko at alam mo na hindi ko ginusto ang pakikipagsundo sa akin ni Mama kay Erika. Ikaw at Renji ang unang-unang nakaalam no'n kaya 'wag mong ibibintang sa akin 'yung buhay na hindi ko naman ginusto!"
"At bakit sa tingin mo ba ginusto ko 'to?!" Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Llyod saka siya tumayo at umayos sa harapan ko. "Sa tingin mo ba gusto kong pakawalan si Hanna para lang puntahan ka dito at makasama ka huh?!"
"Hindi ko na kasalanan kung ako ang pinili ni Hanna kaysa sa-"
"Wala kang kasalanan?" muling pang-uuyam ni Llyod sa akin. "Tang ina, Viel! Kasalanan mong lahat 'to! Kung 'di dahil sa kagaguhan mo, hindi lalapit sa akin si Hanna. Walang mangyayari sa amin at hindi ako masasaktan nang ganito dahil alam ko na kahit hindi mo pa sabihin, kahit anong gawin ko, ikaw at ikaw lagi ang pinipili niya kahit na halos magpakamatay na ako para lang mahalin niya ako gaya nang pagmamahal na nararamdaman niya sa'yo!"
Sandali akong natigilan sa mga sinabi niya.
"Putang ina ka naman Viel! Nananahimik na kami ni Hanna sa States tapos nagpakita ka na naman. Dumating ka na naman sa buhay namin. Ano pa bang gusto mo? Sirain 'yung pamilya ko?!"
Hindi inasahan na bigla akong susuntikin ni Llyod kaya bigla akong natumba sa sahig gaya nang pagpapatumba ko sa kanya kanina!
Tatayo na sana ako para gumanti nang biglang ipatong ni Llyod ang isang paa niya sa dibdib ko para pigilan ako sa gusto kong gawin.
"Hindi lang ikaw ang sobra-sobrang nagmamahal kay Hanna dito, Viel. Hindi lang ikaw 'yung handang gawin ang lahat mahalin lang niya. Mahal na mahal ko si Hanna higit pa sa inaakala mo. At kahit ilang beses mo pa akong suntukin, kahit patayin mo pa ako, hinding-hindi ko siya ibabalik sa'yo dahil hindi na siya sa'yo. Kasal na kami, Viel at may anak na kami. Ano pa bang hinahabol mo?"
"Hindi ka mahal ni Hanna!"
"Ah talaga?" nang-uuyam na sabi ulit niya saka mas diniinan 'yung apak sa dibdib ko. "Kaya kong baguhin 'yung isip niya. Pinangako ko na 'yun sa kanya na gagawin ko ang lahat, mahulog lang ang puso niya sa akin. Hindi mo alam 'yung impyerno na dinanas ko sa loob ng tatlong taon kasama siya pero ikaw ang nasa isip niya. Ano pa ba 'yung ilang taon na pagtitiis 'di ba?"
"Baliw ka na!"
"Siguro nga," sabi niya saka mas diniinan pa ang apak sa akin bago niya inalis 'yun sa ibabaw ko. "Baliw nga siguro dahil nagmamahal ako sa isang babae na iba naman ang mahal. Pero ganoon naman talaga 'yun 'di ba? Kung 'di ka magsisikap, wala kang makukuha. Siguro nga mahal ka pa ni Hanna ngayon. Pero hindi rin magtatagal 'yan dahil sisiguraduhin kong mahahalin niya rin ako pagdating ng araw."
"Alam mo nakakatawa ka." Ako naman ngayon ang nang-uyam matapos kong matayo nang maayos. "Ang hilig mong ipagsiksikan ang sarili mo."
"Mabuti na 'yun kaysa naman gumaya sa'yo na handang sumira ng kasal at pamilya ng iba makuha lang 'yung babaeng magiging kabit mo lang naman dahil kasal ka na rin sa iba."
"Anong sina-"
"Kung mali ako, suntukin mo ako ulit," putol ni Llyod sa sasabihin ko saka niya inilapit sa akin 'yung mukha niya. "Alam mo na hindi mo mabibigyan ng magandang buhay si Hanna. Imbes na ipagsiksikan mo ang buhay mo sa pamilya ko, bakit hindi mo na lang pagtuunan ng pansin ang sarili mong asawa, Viel?"
Mariin akong napakuyom sa kamao ko saka inangat iyon sa ere para suntukin ulit si Llyod pero hindi ko magawa. Nanatili lang nakabitin sa ere ang kamao ko.
"Kailan mo ba maiintindihan na hindi na kayo p'wede ni Hanna, Viel? Na sa akin na siya at kasal na kaming dalawa at wala ka nang magagawa tungkol sa bagay na iyon?"
"Tumahimik ka," pigil ang galit na sabi ko.
"Tigilan mo na 'yung panggugulo mo sa utak ni Hanna. At pakiusap lang, ito na sana ang huling paglapit mo at paghiram sa oras ng asawa ko dahil oras na gawin mo ulit 'to Viel, sisiguraduhin kong babaliin ko lahat ng buto sa katawan mo."
Malakas akong tinulak ni Llyod palayo sa kanya na nagpaatras sa akin ng ilang hakbang saka niya inayos ang suot niya sa harapan ko.
"Kung may hiya ka pang natitira d'yan sa katawan mo, Viel, layuan mo na ang asawa ko. Mahiya ka sa anak ko. Hindi ko siya gustong lumaki na masama ang tingin sa Mama niya at may sirang pamilya. Alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin hindi ba?"
Hinawi ni Llyod ang security na may balak sanang dumampot sa kanya papalabas ng hotel dahil ito na mismo ang nagkusang lumayo sa lugar na iyon.
"Sir, please 'wag nap o kayong pumalag. Sumama na lang kayo sa amin nang maayos."
"Bitawan n'yo ko," inis na sabi ko sa dalawang security na nasa tabi ko saka sinundan ng tingin si Llyod.
Gusto ko siyang habulin, hilain saka siya bugbugin hanggang sa mawalan siya nang malay dahil sa mga pinagsasabi niya.
Pero may isang boses na nagpipigil sa akin na gawin iyon dahil kahit ano pang maisip kong katwiran, alam ko na tama siya.
Hindi lang si Hanna o ang kasal nila ang sisiraan ko kapag nagpatuloy ako sa pagbawi ni Hanna, maging 'yung pamilya na kinalakihan ni Arianna.
At maisip ko lang na umiiyak ang batang iyon, hindi na kinakaya ng konsensya ko.
Muli na lang akong napakuyom sa kamao ko hanggang sa magdugo iyon.
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...