Chapter 4: What he doesn't want her to know

34.3K 624 15
                                    

A/N: I love seeing the OTHER SIDE of Viel. Like, you know? The REAL Viel? >/////< Comment po kayo ah? Happy reading! :))

Chapter 4: What he doesn't want her to know

Hanna's P.O.V

"I was surprised that you have plan all of these without me knowing nor notice even a single hint! I must say that you prepared well Mr. Arvueva!"

"Why thank you Mrs. Arvueva!" sabi nya saka bow pa sa harapan ko. "This way Ma'am!"

Natawa ako sa pinaggagawa nya. Para syang isa sa mga waiter ng Italian restaurant na ito sa ginagawa nya. Kulang na lang ay magsuot sya ng mga uniform ng mga ito.

"Pwede mo ng palitan yung mga waiter dito. Bakit hindi mo subukang mag-apply?" pagbibiro ko pa sa kanya.

"Wag na! Malulugi lang sila sa talent fee ko."

"Yabang mo din ano?"

"Di naman masyado." kibit-balikat na sabi nya sabay ngisi.

Habang naglalakad kami papunta sa table namin, pinagtitinginan kami ng mga diners doon. Yung iba pa nga sa kanila ay nagpalakpakan and congratulated us. And I feel like what we have done—which I initiated—is kind of shameful perhaps? 

Ay ewan! Basta ginawa ko lang 'yun to show Viel that I love him.

After all, I may not have enough time to wait for the right moment to say those things.

My time is running out. And I want to make those seconds memorable by being with Viel. At nagpapasalamat ako na napilit nya akong lumabas sa ospital kahit ngayong araw lang kahit pa nga pinagbabawal ng doktor.

Nang makarating na kami sa assigned table na ipinareserved niya, I was amazed on the table arrangement wherein they placed this beautiful crystal candle holder at the center with flowers that's been put to a low vase on its side and a bucket of champagne with two glass. Simple yet cozy. Perfect for the ambiance of the Italian Restaurant. Oh and I can see a pianist performer right at the center of the place. Can't wait to hear him play.

Inabot na kami ng dilim sa pag-iikot namin ni Viel sa labas. Napasama pa nga kami sa street flashmob kanina. We even got the chance to see some Hollywood actors sa mga mall at establishment na pinasukan namin.

We really have fun this day and I hope this won't end yet. 

"Ciao guest!" bati sa amin nung waiter. "May I take your order?"

Tiningnan ko yung nasa list. Lahat sila mukhang masarap...at mahal. Tsk! Kung alam lang ng mga restaurant kung gaano kadami ang nagugutom sa Cambodia. Paniguradong hindi nila tataasan ng ganito ang presyo ng pagkain nila.

"I'll take the special." biglang sabi ni Viel.

"Oh...I see!" sabi naman nung waiter saka kinuha yung menu list sa amin. "Please wait for a moment sir, madam."

"Special?" sabi ko pagkaalis nung waiter. Hindi pa nga ako nakaka-order ng akin eh!

"Alangan naman yung ordinary lang ang ipakain ko sa wife ko di ba? Syempre dapat yung espesyal!" nakangiting sabi nya.

"Eh parang special naman lahat ng nakasulat doon ah!"

"Exactly!" 

What the?! Oorderin nya lahat ng iyon?!

Gusto ko sanang makipagtalo sa kanya. Pero hindi ko na naituloy. After all, anniversary naman namin ngayon. So it wouldn't hurt if we'll spend little right? At isa pa, ayokong simulan ang panibagong taon namin ng away. Bad omen iyon sa relationship.

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon