Chapter 46: Love and Possession
Hanna's POV
MAY BOSES sa utak ko na paulit-ulit na sumisigaw na mali 'to. Na dapat hindi ako matuwa at masabik sa mga halik ni Viel. Na hindi ko dapat gantihan 'yung mahihigpit niyang yakap, 'yung pagbulong niya ng pangalan ko sa tainga ko at mas lalong hindi ko dapat hinahayaan ang sarili ko na masunog sa apoy na bumabalot sa katawan naming dalawa dahil pamilyado na akong tao. May asawa at anak ako na naghihintay sa akin sa State at na kasal na rin sa ibang babae si Viel.
Parating sumisigaw ang boses na iyon kapag nagkakadikit kami ni Viel, sa tuwing magtatama ang mga mata namin at sa tuwing nagkakausap kami.
Pero hindi ko magawang makinig sa kanya ngayon. Ayoko siyang pakinggan ngayon.
Alam kong pumapasok na naman ako sa isang malaking sugal na paniguradong pagsisisihan ko na naman mamaya pero sa ngayon...
Wala na akong pakialam.
At isa pa, ako ang may dahilan kung bakit kami napunta sa sitwasyon na 'to ngayon. Kung bakit naging ganito kaagresibo si Viel ngayon.
Gusto na niya akong bitawan pero ako naman ngayon ang may gustong kumapit siya sa akin.
Siguro napagod na ako. Napagod na akong lokohin ang sarili ko. Napagod na akong makinig sa mas lohikal na parte ng utak ko.
Napagod na akong magbingi-bingihan sa sinasabi ng puso ko. Napapagod na akong tumakbo. Napapagod na akong takasan at iwanan si Viel. Napapagod na akong magsinungaling sa sarili ko.
Napapagod na akong magpanggap na matagal na akong handa na kalimutan siya kahit na ang totoo ay ni hindi ko man lang siya magawang kalimutan. Na hindi sapat 'yung pagsisinungaling niya sa akin at ang higit tatlong taong pagkakahiwalay namin sa isa't-isa para makalimutan ko 'yung nararamdaman ko para sa kanya.
I just love him so much that I am willing to become an indecent woman.
Alam kong maraming masasabi ang mga tao oras na malaman nila na ginawa namin 'to. Pero wala na akong pakialam.
I just want to own Viel at least for this night and forget all the what ifs that's about to come.
I just want to feel him right now. Show him how much I missed him. And desperately make him stay kahit na alam kong mali.
"Viel..."
Dahan-dahan akong ibinagsak ni Viel sa ibabaw ng kama dito sa kwarto namin ni Arianna habang hindi niya inaalis ang mata niya sa akin.
We didn't speak for few minutes. We just stare at one another, kiss each others lips for some moments then look back to each others eyes again.
Hindi pa rin niya inaalis sa akin 'yung mga tingin niya habang unti-unti niyang hinuhubad 'yung pantaas niya.
Hindi ako tanga. Alam ko na hindi ko na talaga maawat si Viel na may mangyari sa aming dalawa at alam ko na huli na para umatras pa ako at tumakas sa gagawin naming pagkakamali.
And I've seen this so many times and now I realized how much I've been longing to see his naked body that was once exclusively for me.
Bigla tuloy akong napa-isip kung nagsi-sex din ba sila Viel at Erika.
Pero alam kong isa 'yung nakakatangang tanong.
Mag-asawa sila. Natural na gagawin nila 'yun!
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...