Chapter 56: Guilt

16.5K 436 94
                                    



Chapter 56: Guilt

Hanna's POV

"SA NGAYON naging okay naman ang pagsasalin ng platelets sa kanya. Kailangan na lang i-monitor ang lagay ng bata. Kapag nilalagnat pa rin siya, bibigyan lang muna natin ng paracetamol. Punas-punasin n'yo rin nang basang bimpo ang katawan ng bata maya-maya para bumaba ang body temperature niya. Wala namang problema sa puso ng bata—which is good kasi hindi pa nakakarating ang virus sa parte na 'yun. Mas mahihirapan tayong masugpo ang dengue kapag napaapektuhan na nito ang internal organs. Titingnan na lang natin sa mga susunod na araw kung bababa ba o tataas ang platelet count niya. Kapag bumalik na sa normal ang platelet count niya o mas higit pa, mas okay at p'wede na rin siyang i-discharge sa ospital."

"Pero paano kung mas bumaba pa?" nag-aalalang tanong ko.

"Kung ganoon ang mangyari, na ipagdasal sana natin na hindi mangyari, kakailangan ulit siya masalinan ng platelet," paliwanag ng doktor saka ngumiti sa akin. "Pero hindi na natin problema ang tungkol sa bagay na 'yan dahil may dalawa na tayong donor na handa pang magbigay ng dugo nila para sa platelet."

"Dalawa?"

No! Don't tell me ang isa doon sa kanila ay—

"Hanna."

Napaangat ako nang tingin sa may bukana nang pintuan ng kwarto ni Arianna saka ko nakita si Rina at iba pa saka sila sabay-sabay na pumasok sa loob.

Pero wala sa grupo nila si Viel.

"Rina donated some of her blood," napatingin ako sa mukha ni JD nang magsalita. "She's AB positive too."

"Salamat, Rina," sinserong sabi ko saka ko kinuha ang kamay niya. "Hindi ko alam kung paano ako makakabayad sa ginawa mo sa pagliligtas sa buhay ng anak ko."

"Walang anuman, Hanna," nakangiting sabi niya saka hinawakan na rin ang mga kamay ko. "Ina na rin ako. At kahit hindi mo sabihin, alam ko ang nararamdaman mo ngayon at walang anuman. Para naman 'to kay Arianna."

Napangiti na lang ako sa kanya at sa kanilang lahat.

"Salamat. Saka salamat sa pagbisita sa anak ko."

"Kagabi pa kaya kami dito," sagot ni Sean sabay tingin-tingin sa paligid. "Nasaan pala si Llyod?"

"Baka nasa morgue na," sagot ni Ronan sa kanya. "Sira-ulo kasi 'tong si JD eh!"

"You want to see your body in the morgue too?"

"Joke lang! Ikaw naman, JD! Hindi ka talaga mabiro! Ang bait mo nga eh! Sobra. Try mo kayang mag-apply ng pagpapari minsan? Baka makapasa ka?"

"Sinali mo na naman sa sideline mo si JD, Ronan."

"Gawin na ba kitang proxy ko sa katawan na susunod dadalhin ni JD sa baba?"

Napangiti na lang ako sa kanila.

Alam ko na hindi kasing-sigla ng mga ngiting madalas kong ipakita noon ang ngiti ko ngayon.

Oo, alam kong mas okay na si Arianna kaysa doon sa unang araw na dinala namin siya dito at no'ng araw na isugod siya sa ospital. Pero hindi ko pa rin magawang maging ganoon kasaya lalo na at hindi pa naman talaga ganoon kabuti ang lagay ni Arianna.

Saka hindi ko magawang maging masaya sa katotohanan na sinampal sa mukha namin kahapon.

"So? Where's Llyod?"

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon