Chapter 63: You're not my Daddy!Hanna's POV
"MOMMY! MISTER Pilot! Hurry up!"
Natawa na lang kaming dalawa ni Viel sa inis na ekspresyon na binigay ng anak namin sa amin dahil sa ang bagal daw namin maglakad kaya hindi na nito nahabol ang mga mascot ng theme park na dumaan sa harapan namin kanina.
Laking pasalamat ko na lang na walang masyadong tao ngayon sa lugar na ito hindi gaya kapag Christmas season na mahihilo ka sa dami ng turista na naglalabas pasok sa theme park na ito sa Laguna.
"Arianna, stop running! Baka madapa ka!"
Ngunit huli na ang paalala ko dahil natisod na ito.
Dali-dali naming hinabol si Arianna para sana masalo ito kahit papaano bago pa ito bumagsak nang tuluyan sa sahig ng theme park.
Pero may nauna nang makagawa noon sa amin.
"Ano ba naman kayo, bespren! Pinapabayaan n'yo ang ka-love team ni Third? Kapag ito nagkapeklat, yari kayo kay Bayawak! Mala-JD pa naman ang ugali ng halimaw na batang 'yun. Mas OA pa sa OA! Mas OA pa sa OA na ama."
"Renji?!" gulat at sabay na sabi namin ni Viel.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Viel saka nito kinuha ang anak namin mula sa kamay ni Renji. "Are you okay, princess?"
"Yes, Mister Pilot. I'm fine," sagot nito sa halos mangiyak-ngiyak na tono.
"Kahit kailan talaga kayong mag-ina! Lagi n'yo na lang akong pinag-aalala," sabi pa ni Viel sabay buntong-hininga bago siya napatingin sa direksyon ko.
"Sorry, Mister Pilot but I can't understand what you said."
"Naks! Tatay na tatay ka na talaga, bespren! Congrats! At least ngayon, hindi ka na mapagkakamalan na may sampung anak sa itsura mo kasi may anak ka na talaga!" asar pa ni Renji sabay tawa. "May ebidensya ka na. Wala nang magdududa sa'yo na gurang ka na—este may anak ka na."
"Anong ginagawa mo dito, Renji?" ulit ko sa tanong ni Viel kanina saka para matigil na si Renji sa pang-aasar niya kay Viel bago pa ito tuluyang maasar sa kaibigan.
Napalingon siya sa akin saka ngumiti.
"Dumaan lang ako dito. Makikibanyo lang."
"Talaga?"
Unbelievable! Pumunta siya ng Laguna para lang gumamit ng banyo?! sa isip ko. Ano na naman bang kabaliwan 'tong ginagawa ni Renji?
"He's just joking, Hanna. Huwag kang maniwala sa mga sinasabi n'yan," walang emosyon na sabi ni Viel na kinatawa ulit ni Renji.
"Si Mama Hanna, nag-Los Angeles lang, nawalan na ng sense of humor. S'yempre nandito ako para maglaro. Palaruan nga 'to 'di ba?"
"Hindi 'to palaruan pambata," sagot pa ni Viel.
"And if you want to play, stop tagging us along with your craziness, asshole!"
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon saka ko nakita sila JD, Rina, ang mga anak nila at iba pang miyembro ng Trinity X kasama ang mga asawa nila.
"Long time no see, Hanna!" masayang bati sa akin ni Nozomi sabay beso sa akin. "Hello, Arianna! I'm Tita Nozomi!" bati pa niya sa anak ko.
"H-hello."
"Nako, Sean! Senyales na 'to! Nagpaparamdam na si Nozomi! Anakan mo na raw siya!"
Nagulat kami nang bigla na lang batukan ni Nozomi si Sean.
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...