Chapter 15: Guest

19.9K 461 13
                                    

Chapter 15: Guest

Hanna's P.O.V

          Sandali kong inilapag yung whisk and bowl sa may kitchen counter sabay napasilip sa may second floor ng bahay.

          Napakunot-noo ako nang wala akong makita sa dulo ng hagdanan sabay napatingin sa wrist watch ko.

          "11:00 A.M." basa ko sabay lalong napakunot-noo at sumilip sa may second floor.

          "Viel!" tawag ko sa kanya.

          [Oo baba na...] yan ang sagot nya.

          At ilang oras na ang nakakalipas mula ng ulit-ulitin nya ang sagot na yan sa akin at hindi pa din sya bumababa!

          Baliw talaga ang lalaking 'to. Sya lang yata yung lalaking tanghali na kung gumising!

          Aba! Hindi porque nasa honeymoon pa din kami tanghali na sya gigising! Ni hindi pa nga sya nagbebreakfast! Tapos sa gabi naman, ang aga naman nyang matulog.

          'Yung totoo Viel?'

          Napabuntong-hininga ako saka tinanggal yung apron ko at umakyat sa may taas.

          "Ano ba—"

          Nahinto ako sa sasabihin ko sana nang sa pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin, nakahilatang Viel Arvueva pa din ang nakita ako.

          Ganitong-ganito ko sya iniwan kaninang 8:00 A.M. Hanggang ngayon ba naman nakahiga pa din sya?!

          "Baba na pala huh?!" mahinang inis na sabi ko sa sarili saka inayos yung manggas ng damit ko at dahan-dahang lumapit sa kanya.

          Mabuti na lang at nakacarpet yung sahig namin dito sa kwarto. Dahil kung hindi, baka magising ko pa 'to sa "mahimbing" nyang pagtulog. But I also doubt that, ilang beses ko na syang tinawag pero tingnan mo!  Nakahiga pa din sya sa kama namin! Grabe!

          Itinaas ko ang kamay ko sa ere, hahampasin ko sana sya o di kaya babatukan para magising.

          Kaya lang, sa gulat ko, bigla na lang syang napaharap sa direksyon ko. Nabitin sa ere ang kamay ko habang sya naman nakangisi lang.

          Pero mas nagulat ako nang bigla na lang nyang hilain ang isang kamay ko, saka nya ako biglang hinila pahiga sa kama.

          Ang bilis ng mga pangyayari. Basta nakita ko na lang ang sarili ko na nasa ilalim na ng half-naked na si Viel sabay tinalukbong nya sa amin yung makapal na blanket.

          "Mission accomplished!" nakangiting sabi nya saka ako biglang hinalikan sa labi. "Good morning beautiful wife!" sabi nya sabay humalik ulit sa akin.

          Nakatingin lang ako sa kanya, nakataas-kilay, nagtatanong sa "isip-bata" nyang "biglang" pag-uugali.

          Oh! I almost forgot. I married a bipolar person. Sheesh! How ironic my life can be?

          "You can stand now Viel..." bored na sabi ko.

          Ever since na ikinasal kami, Viel always act childish. Alam mo yun? Yung batang naglalambing sa Mama nya? Sya yun. Araw-araw, ang dami nyang pakulo sa buhay. At bawat araw, pabata ng pabata yung kilos nya. May sakit na yata ang taong 'to. Madala nga 'to sa PEDIA mamaya.

          Minsan tuloy nagdadalawang isip ako sa tunay na edad ng lalaking 'to.

          "Why so cold wife?" sabi nya saka nya biglang idinagan sa akin yung buong bigat ng katawan nya at sabay niyakap ako ng mahigpit. "You need a cuddle and a body heat wifey!"

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon