Chapter 62: We will fix this
Hanna's POV
"REALLY, MISTER Pilot? We're going to amusement park?" tuwang-tuwang sabi ni Arianna.
"Yes, princess."
"Are you sure?"
"Yes," nakangiting ulit ni Viel doon sa anak niya.
Anak namin.
"Are you really, really, really, really, sure, Mister Pilot?"
Natawa na lang kaming dalawa ni Viel sa kakulitan at paulit-ulit na tanong ni Arianna.
"Really, really, really, really sure, princess," sabi pa ni Viel saka marahang hinalikan si Arianna sa noo nito na kinahagikgik ng bata. "Go get your things and your Mommy and I will wait for you here."
"Okay!" masayang sabi ng anak ko saka ito nagtatatalon habang naglalakad ito papunta doon sa may hagdanan ng bahay.
Hindi ko na siya sinamahan dahil ayaw nito. Na malaki na raw siya at kaya na niyang umakyat ng hagdan ng mag-isa.
Saka ayaw niyang napapahiya sa harap ng kanyang Mister Pilot sabi pa niya.
"I think your daughter has a crush on you, Viel," pagbibiro ko dito nang makaakyat na si Arianna sa ikalawang palapag ng bahay. "Better watch out."
"Okay lang naman sa akin 'yun. Pero mas okay kung 'yung Mommy niya ang magkakagusto sa akin."
Napangiti ako doon sa sinabi niya.
Matapos ng naging pag-uusap namin ni Viel kahapon, napagpasyahan naming dalawa na ayusin ang mga dapat ayusin sa pagitan naming dalawa bago kami muling magsama.
Siya kay Erika at ako naman kay Llyod.
And I have decided that this time, I need to end their suffering—both Llyod and Viel.
Mas lalo sa sarili ko.
Ayoko nang lokohin ang sarili ko na kaya kong mabuhay nang wala si Viel sa tabi ko lalo na ngayong nalaman naming lahat na siya naman pala ang tunay na ama ni Arianna.
I want to be him. I love him. I love him so damn much kaya hindi ko na kayang iwasan siya o ang pagmamahal niya.
I have decided to talk to Llyod once and for all.
Ayoko siyang saktan. Llyod has been a very good husband to me and father to Arianna. Mahirap para sa akin na saktan siya sa kabila ng lahat ng kabutihan at tulong na pinakita at binigay niya sa akin.
Pero ayoko na ring saktan si Viel.
I'm afraid na kapag nasaktan ko ulit siya, I might lost him forever.
I want to fight for this love. Tama na siguro 'yung mga taon ng pagtakbo at pagtakas sa problema. Na tama na 'yung mga taon sa pag-iisip ko ng kung ano ba ang tama dahil kahit ano namang gawin ko, tama man o mali, may masasaktan at masasaktan sa amin.
And I don't want to bring more pain to Viel again.
I love him.
I love him.
And I want to be with him.
"Viel."
Napatingin siya sa mukha ko with a smile and confuse look on his face.
At bago ko pa maisip kung sasabihin ko at magiging resulta no'n, bigla na lang iyon lumabas sa bibig ko.
"I love you. I love you much, Viel."
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...