Chapter 40: Staying
Viel's POV
I SAW them kissing. At wala akong ibang magawa kundi ang mapakuyom sa kamao ko sabay mapatalikod.
Kung bakit kasi nagbalak pa ako pumunta sa mesa nila. Kung bakit kasi nawala na naman ako sa katinuan ko.
Kung bakit kasi nag-aalangan na naman ako at gustong bawiin ang sinabi ko kanina kay Hanna.
Ano ba, Viel! Tama na! Ang laki mo ng gago! Tumigil ka na!
"Ouch!"
Bigla akong napahinto sa mabilis kong paglalakad nang may tumama na kung ano sa paa ko saka ko nakita ang anak ni Hanna na hawak ang noo nito at aktong iiyak na.
Bigla akong nataranta sa nakikita ko sa reaksyon ng bata saka ako napapalingon sa paligid.
Bakit ba kasi pakalat-kalat ang bata na 'to? Ganito ba talaga alagaan ni Hanna ang anak niya? Basta-basta na lang niya hahayaang gumala habang siya ay nakikipaghalikan sa asawa niya?
Muli akong nainis sa naisip ko kaya mabilis akong naupo sa harap ng bata sabay hawak sa balikat niya.
"Shhh. Don't cry, little girl. That was an accident. I didn't mean tooâ"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makitang malapit na talaga ngumawa ang bata dahil siguro sa sakit ng pagkakabunggo niya sa paa ko kaya walang ano-ano'y bigla ko siyang binuhat saka sinubukang ipatahan.
Teka! Tama ba 'to? Shit! 'Wag kang iiyak! Makikita tayo ng mga bastos mong magulang!
"Mommy, Daddy."
"Sandali! Teka lang! 'Wag kang iiyak sa akin!"
I know it's stupid na mag-Tagalog sa isang batang lumaki sa abroad.
Pero hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa batang 'to kapag umiyak na siya.
Mabilis ko siyang isinakay sa balikat ko saka ko sinubukang tumakbo ng mabagal ang act like a stupid plane para lang awatin ang batang 'to na umiyak.
And why do I have a feeling na magkasing maldita ang batang 'to pati ang nanay niya?
Pero nakahinga rin ako nang maluwag nang marinig kong tumatawa na 'yung bata saka nito sinisipa ang paa nito sa balikat ko at inuutusan ako na ulitin pa 'yung katangahang ginagawa ko sa sarili ko.
"Faster! Faster! Faster!"
"Teka lang sandali! 'Wag kang masyadong magalaw at baka malaglag ka!"
"Ayos, bespren ah! Tatay na tatay ang dating natin ngayon ah? Ano? Mag-a-anak ka na rin?"
Muntik ko nang mahulog si Arianna nang marinig ko ang boses ni Renji sa likuran ko.
Mabuti na lang at mahigpit 'yung pagkakasabunot ng bata sa buhok ko at ang pagkakahawak ko sa binti niya.
"Siraulo ka ba?! 'Wag ka ngang basta-basta sumusulpot sa tabi ko!"
"Ang galing-galing mong mag-ariplane, bespren," pagbabale-wala niya sa sinabi ko. "P'wede bang pa-try rin ako minsan? Hoy bata! Baba! Ako na sunod!"
Malakas ko siyang binatukan dahil sa pagpatol niya doon sa bata na hindi naman siya naiintindihan saka ko muling binalik ang hawak ko sa isang binti ni Arianna.
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romantik[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...