Chapter 68: The Letter

23K 544 100
                                    


A/N: Guys, iwasan po sana ang puro vote lang. Matatapos na po ang kwento kaya sana ugalian ang comment. One more chapter to go. LEAVE COMMENTS! ^^

Chapter 68: The Letter

"NAKAALIS NA ang mga bisita at nakatulog na rin si Arianna sa kabilang kwarto."

Napaangat ako ng tingin sa may pintuan nang marinig ko ang boses ni Kuya saka siya napasandal sa isang gilid noon.

"Pasensya na sa abala, Kuya."

Narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga nito saka sinundan ulit ng boses nito saka ito nagdere-derecho ng pasok sa kwarto ko at naupo sa tabi ko.

"Ano bang nangyari sa'yo doon sa party kanina?"

Nag-alangan akong sagutin ang tanong ni Kuya dahil alam kong hindi naman siya maniniwala.

Dahil maging ako, hindi ko alam kung totoo nga ba ang nakita ko kanina na nandoon si Viel sa birthday party ni Arianna o baka likha lang siya ng imahinasyon ko dahil na rin sa sobrang kagustuhan ko na makita siya.

"Hanna?"

"Nakita ko si Viel kanina sa may party."

Muling bumuntong-hininga si Kuya. "Nasabi mo na 'yan sa akin kanina. Pero wala naman siya doon. Ako ang sumalubong sa mga bisita kanina hindi ba?"

"Alam ko," malungkot na sabi ko sabay napayuko doon sa mga magkadaop kong kamay. "Pero alam ko ang nakita ko. Ilusyon man iyon o hindi, pakiramdam ko totoong-totoo siya. Na siya talaga 'yung lalaking nakasuot ng maskara."

"Maskara?"

"He wore the same clothes no'ng una kaming magkita sa Los Angeles after three long years, doon sa party ni Tito Robert."

"Sigurado ka ba sa nakita mo? Hindi kaya namamalik-mata ka lang?"

Ako naman ngayon ang napabuntong-hininga. "Siguro nga. Siguro namamalik-mata nga lang ako kanina."

Muli kong naramdaman ang marahang paghaplos ni Kuya sa buhok ko saka niya ako hinila para bumagsak ang ulo ko sa balikat niya saka niya mahigpit na pinulupot ang mga braso niya sa akin para hawakan ako.

"Alam kong nami-miss mo na siya at gustong-gusto mo siyang makita. Pero, Hanna, wala siya dito. Kaya huwag mo nang ipagpilitan na nandito si Viel kahit wala naman."

"I'm just thinking na baka pumunta siya sa birthday ng anak niya."

"He will. Soon. Pero hindi pa ngayon."

Wala akong tinatagong sikreto mula kay Kuya kaya alam niya ang lahat nang nangyayari sa buhay ko maging doon sa biglang pagkawala ni Viel para puntahan ang Mama nito.

Si Kuya Alex na lang ang natitira kong kakampi ngayon at ang nag-iisang tao na alam kong hindi ako iiwan.

At siya lang rin ang nag-iisang tao na mayroon ako ngayon para gisingin ako sa mga kahibangan na ginagawa ng sarili kong imahinasyon.

Alam ko na sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ako hihingi ng tulong sa iba.

Pero hindi naman masama na huminga kay Kuya Alex, hindi ba? Hindi naman masamang sumandal muna dito sa balikat niya lalo na ngayong pakiramdam ko nag-iisa na naman ako.

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon