Chapter 60: Wrong Number
Viel's POV
WALA SA isip ko na gawin iyon sa kanya. Kahit siguro matino ang pag-iisip ko nang araw na iyon, hindi ko maiisip na gawin ang bagay na iyon.
But the warmth of her arms in my hand, the touch of her palm on my lips, her blushing reaction, her embarrassment, it all felt surreal.
Like a long lost dream I haven't dream for a very long time.
"Shit, Viel!" inis na mura ko sa sarili ko saka ko biglang nasipa ang isang bahagi ng working table ko dito sa kwarto.
Huwag mo nang guluhin si Hanna! Si Arianna lang ang ginusto mo. Huwag mo nang palalalain pa lalo ang sitwasyon!
"Pero bakit ba ang hirap mong alisin sa sistema ko, Hanna?"
Sa kabila ng mga nagawa mo, 'yung mga pang-iiwan na ginawa mo sa akin, 'yung pagtatago mo tungkol sa anak natin sa loob ng tatlong taon. Bakit sa kabila ng mga iyon...
"Bakit mahal pa rin kita?"
Naputol ako sa pagbabalik-tanaw ko sa mga naging pagsasama namin ni Hanna sa nakaraan nang may bigla na lang tumawag sa akin.
"Hanna?" kunot-noong basa ko doon sa pangalan ng tumatawag sa akin ngayon.
Ini-slide ko ang daliri ko pa-kanan para sagutin ang tawag niya pero hindi muna ako nagsalita.
Baka kasi guni-guni ko lang ang nabasa ko. Na isa na naman 'to sa mga imahinasyon ko at magkamali pa ako sa pagbanggit ng pangalan na masasabi.
"Llyod!"
Sandali kong inilayo ang telepono sa tainga ko para siguraduhin kung tama nga ang numero na tumatawag sa akin. Pero mabilis ko rin namang binalik ang cellphone sa tainga ko saka ko pinanggan ang boses ni Hanna.
"Kanina pa kita tinatawag pero bakit ngayon mo lang sinagot?!" halos pasigaw na tanong niya.
Ah. That bastard.
Bakit ko ba pinaubaya sa kanya si Hanna? Bakit hindi ko inayos nang mas maaga ang problema ko kanila Margox at Erika?
Kung naitama ko lang sana ang lahat sa tamang oras, 'di sana...
"Umiiyak si Arianna! Hinahanap ka! Paano 'to? Anong gagawin ko? Kanina pa siya iyak nang iyak at hanap nang hanap sa'yo. Pati si Kuya hindi siya mapatahan. Anong gagawin ko?"
She really sound so helpless. At kahit na hindi dapat ako matuwa na mapakinggan siyang natataranta, hindi ko pa rin mapigilang mapangiti habang pinapakinggan siya.
Sa sobrang pagkataranta niya, hindi na niya napansin na maling numero ang na-dial niya.
Pero siguro okay na rin 'to.
Kahit sa ganitong paraan lang, kahit sa maiksing panahon lang, nararamdaman ko na hindi siya malayo sa akin.
Na kahit sandali, nararamdaman ko ulit na totoong masaya ako dahil lang sa naririnig ko ang boses niya.
"Llyod! Ano ba? Sumagot ka naman! Maaga pa ang operasyon na gagawin ni Kuya bukas! Hindi p'wedeng magwala nang ganito si Arianna buong magdamag!"
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...