Chapter 64: The Saddest Goodbye
Hanna's POV
HALOS ILANG beses ko nang tinatawag ang numero ng bahay nila Llyod sa Los Angeles pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siyang ma-contact. Kahit yung number ni Papa maging yung number sa opisina niya, wala ring silbi dahil nasa out of town down ang Papa ni Llyod at hindi alam ng sekretarya kung nasaan si Llyod ngayon.
Akala ko ba may aasikasuhin ka lang sa kompanya ng Daddy mo, Llyod? Bakit wala silang alam kung nasaan ka? Nagtatago ka ba? O, sadyang nagsinungaling ka lang sa akin doon sa dahilan mo no'ng nagpaalam ka?
And I have a bad feeling about this.
Tatlong araw na ang nakakalipas magmula nang malaman ni Arianna ang totoo tungkol kay Viel at sa pagiging mag-ama ng mga ito at kahit papaano, wala namang nagbago sa pakikitungo ni Arianna sa kanya. Mas naging malapit pa nga ang anak namin kay Viel na para bang nauunawaan na talaga nito na daddy niya nga si Viel gaya ng narinig nito kay Renji at gaya na rin ng naipaliwanag namin sa kanya no'ng nasa theme park kami.
Tatlong araw na rin ang nakakalipas magmula nang subukan kong tawagan si Llyod pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya nakakausap.
"Siguro kailangan ko na siyang personal na makita," mabigat na sabi ko sabay napaupo sa isa sa mga upuan sa sala saka ko marahang hinilot ang sintido ko.
I somehow feel nauseated sa mga nangyayari.
"Mommy! Mommy!"
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses ni Arianna saka ito dali-daling tumakbo sa direksyon ko bago huminto sa harapan ko.
"Daddy is calling!"
"Your Daddy Viel?"
"No, Mommy! My first daddy!"
Mabilis kong kinuha sa kamay ni Arianna ang cellphone nito na bigay ni Llyod dahil sadyang hobby niya lang talaga ibigay ang lahat ng kapritso ni Arianna sa buhay.
Then I saw a different and unregistered name flash on Arianna's smart phone.
Dahan-dahan kong itinapat sa tainga ko ang cellphone ni Arianna para pakinggan ang boses ng nasa kabilang linya.
"Don't tell your mommy that I'm calling you, princess. Let's keep this a secret between the two of us, okay?"
"Llyod..."
Sa tingin ko ay natigilan si Llyod sa kabilang linya nang hindi niya inaasahan na ako na pala ang kausap niya ngayon.
Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Hanna."
His deep voice resonates into my ears down to my heart where pain and guilt spreads throughout my whole system.
Hearing his voice this deep and cold, I know that he already knows the reason behind all my hundred missed calls.
"P'wede ba tayong mag-usap?"
"We're already talking, Hanna."
Llyod seems different today. Way too different. Malayong-malayo sa gentle, sobrang maalalahanin at malambing na si Llyod. The Llyod I almost fell in love with.
Almost.
"Iniiwasan mo ba ako, Llyod?"
"Hindi."
"Then why are you using different number?"
"Just want to."
"At si Arianna lang ang tinatawagan mo at balak mo pang ipatago sa anak mo ang pagtawag mo. Ganoon ba, Llyod?"
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...