[EXTENDED] Chapter 70: Alone in the Dark

19.2K 467 78
                                    

[EXTENDED] Chapter 70: Alone in the Dark

Hanna's POV

"WHERE HERE."

Hindi ko alam kung ano ba ang tamang reaksyon ang ibibigay ko sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Viel ngayon o kung paano ko ba huhulaan kung ano ba ang pumasok sa utak ni Viel para dalhin ako sa lugar na 'to sa kalaliman ng gabi.

"Are you sure that Maldives didn't do anything serious about your mentality, Viel," dudang-duda na sabi ko nang humarap na ako sa kanya. "Kasi kung mayro'n, I will sue you for being crazy!"

"Anong masama?" natatawa pang sabi niya. "Trespassing is not a serious crime though."

"At binabalak mo talagang mag-trespass sa loob?!" halos pasigaw na na sabi ko.

"Shhh! We're supposed to have a secret entrance here, Hanna. Kaya dapat hindi tayo gagawa ng kahit anong ingay."

"Alam mo naman siguro na p'wede kang makulong sa gagawin mo, Viel, 'di na?" nakapamaywang na tanong ko.

"No guts, no glory, Hanna," sabi niya sabay kindat pa sa direksyon ko bago niya walang kahirap-hirap na tinalon ang pader ng gate ng dati naming eskwelahan—ang Westside University at basta na lang tumawid sa kabilang bahagi ng pader.

"This is illegal, Viel!" hindi makapaniwalang sabi ko habang pinapanood siya na buksan ang maliit na pintuan ng gate. "What the! You even broke the lock!"

"Para naman makadaan ka," walang katakot-takot na sabi niya saka niya ako pinagbuksan ng gate. "Tara na!"

"Anong tara na? If you're asking me to trespass with you, well, I'm sorry to disappoint you, Viel pero—wait!" tili ko sa dulo nang bigla na lang niya hilain ang kamay ko papasok sa loob ng gate ng school.

I'm keeping my pace while we run inside the campus ground and as he hold my hand tight.

This brings back memories. Mga alaala kung saan mga bata pa kami. Young, foolish and in love gaya nga ng sabi sa linya ng isang lumang kanta.

Kaya kung kanina ay naiinis ako sa pagiging iresponsable ng ginawang pag-gate crash ni Viel nang basta-basta sa Westside, ngayon ay kasama na niya akong nakikitawa sa kanya hanggang sa marating namin ang gate ng main building ng eskwelahan.

"Are you still afraid of ghost, Hanna?" nakangiting tanong niya habang habol ang hininga at nakatingin sa akin.

"As a professional pediatrician, sa tingin mo ba naniniwala pa ako sa mga multo-multo na 'yan?"

"Kaya nga tinatanong kita, 'di ba?"

"Well, to answer your foolish question, Mister Arvueva, nope. I am not," taas-noong sabi ko sabay bumuntong-hininga. "Seriously, Viel. Ito ba ang ibig sabihin mo ng after party? Ang mag-trespassing sa dati nating eskwelahan?"

"It's not just a simple school, Hanna. At least not to me," sabi niya sabay tingin sa buong paligid. "This has always been a very special place to me. Kasi dito sa mismong lugar kita unang nakilala, Hanna. Our story began here and ends here..."

I see no sign of pain sa mata at boses ni Viel do'n sa huling sinabi niya.

But still, the guilt feeling kicked in inside my chest for all the wrong decisions I made that leave Viel in great despair.

Kahit ilang taon na ang nakakalipas, I still haven't forgive myself for hurting this man.

"Pagkatapak na pagkatapak ko ulit dito sa Pilipinas, maliban sa makita kayong dalawa ng anak natin, ito ang gusto kong sunod na makita.I want to see this view with you, Hanna and try to remember how it all began for the both of us."

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon