Chapter 24: Save and Chances

23.2K 517 157
                                    

UNEITED. TYPOS, TYPOS EVERYWHERE!

Chapter 24: Save and Chances

Llyod's POV

            HINDI ko alam kung paano ko papatahanin si Hanna sa pag-iyak niya.

            Mula pa kanina pagkapasok na pagkapasok niya sa condo ko, hindi na siya natigil sa pag-iyak.

            Marami akong gustong itanong sa kanya. Una kung paano niya nalaman ang lugar ko. Pangalawa kung bakit basang-basa siya at pangatlo ay kung ano ba ang ibig sabihin nang sinabi niya sa akin kanina tungkol sa kanila ni Viel.

            That she and Viel were over.

            Gusto kong malaman kung ano iyon. Kung anong ibig sabihin no'n. Kung bakit iyon sinabi ni Hanna at kung bakit nagkakaganito niya ngayon.

            Halos masaktan na rin ako sa ginagawa niyang pag-iyak habang nakasandal ang ulo niya sa dibdib ko. Hindi ko na nga pinansin kung halos mapunit na niya ang damit ko dahil sa higpit ng hawak niya doon habang umiiyak.

            Ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay manatili sa tabi niya, patahanin siya sa pag-iyak at hayaan siya na magkwento sa akin kung ano ba ang nangyari.

            Hindi rin mawala-wala ang pagkuyom ng kamao ko habang nakapulupot ang braso ko kay Hanna.

            No'ng kami pa, hindi ko pinaiyak ng ganito si Hanna. Hindi ko nga siya nagawang paiyakin o hindi kaya hind ko maatim na saktan man lang siya.

            Lagi na lang si Viel ang dahilan ng pag-iyak niya, Si Viel na lang lagi ang nananakit kay Hanna.

            At wala akong gustong gawin ngayon kundi ang hanapin siya at basagin ang mukha niya.

            Gusto kong pagbabali-baliin ang mga buto niya sa mukha at katawan. Gusto ko siyang paluhurin sa harapan ni Hanna dahil sa lahat ng panggagagong ginagawa niya.

            Lagi niyang sinasabi sa akin na mahal niya si Hanna. Na hindi niya kayang saktan si Hanna.

            P'wes ano 'to?

            Ano na naman bang ginawa mo Viel? nanggigil na sa isip ko.

            "He cheated on me. He lied to me, Llyod."

            Bigla akong napayuko kay Hanna nang marinig ko siyang magsalita saka siya dahan-dahang nag-angat ng tingin niya sa akin.

            It breaks my heart to see her eyes swell and turned red sa kakaiyak.

            Hindi ito ang Hanna na gusto kong makita ngayon. Hindi ito 'yong Hanna na nakilala ko noon. Hindi ito ang Hanna na madalas kong makasama sa Eastside bago pa dumating sa buhay namin si Viel. Hindi ito ang Hanna na lagging laman ng isip at ilusyon ko.

            Ang Hanna na nakilala ko laging masaya. Laging nakangiti. Na kahit hindi siya magsalita, makita mo lang ang mata niya, mapapangiti ka na niya.

            Hindi ito ang Hanna na gusto kong makasama ngayon.

            I want her to be happy because she deserves it. Gusto ko lagi siyang makita na masaya. Na nakangiti. Na parating positibo sa buhay.

            I want my Hanna. I want her back.

            "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko matapos kong muling pahirin ang luha sa mata niya gamit ang mga daliri ko. "Speak to me. Makikinig ako."

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon