Chapter 48: Erika
Hanna's POV
"I'M SORRY, Llyod. Hindi ko na kayang gawin 'to sa'yo."
Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko pabalik sa hotel kung saan kami naka-check in ngayon para hanapin si Viel.
"Anong ibig mong sabihin, Hanna?"
"Llyod, ayoko na."
Gusto ko sanang mainis kung bakit bigla na lang dumami 'yung mga turista na nandito sa labas. Pero alam ko naman na kahit mainis pa ako sa kanila ay wala rin namang magagawa iyon dahil hindi naman sa akin itong resort at kaya nga sila pumunta dito ay para maligo sa beach.
"Ayoko ng lokohin ka pa, Llyod. Ayoko ng lokohin pa ang sarili ko."
Seeing Llyod pain mirrored on his eyes wants me to take back what I just said to him.
Pero alam ko na mas masasaktan ko lang siya kapag ginawa ko iyon. Na mas lalo ko lang siyang papahirapan maging ang sarili ko.
"Anong ibig mong sabihin, Hanna?"
"Hey! Watch where you're walking, will you?!" galit na sabi no'ng foreigner na babae na hindi ko sinasadyang mabunggo.
"I'm sorry, Miss."
"Llyod, tapusin na natin 'to. Let's call this marriage off."
"You want divorce? Iyon ba ang gusto mong sabihin?"
"Yes."
"Viel," bigkas ko sa pangalan niya nang makapasok na ako sa loob ng lobby ng hotel saka siya hinanap ng mata ko kung saan ko siya huling nakita kanina.
Pero wala ni kahit anong anino ni Viel doon sa loob.
"I don't want to hurt you anymore, Llyod. Ayoko ng maging unfair sa'yo."
"Pero okay lang naman sa akin na—"
"No, Llyod. It's not okay. Mahalaga ka sa akin. You're like my best friend. At hindi ko kayang gawin sa'yo 'to."
"So sa higit tatlong taon na magkasama tayo, kaibigan pa rin pala ang turing mo sa akin?"
Kung mayroon lang off switch ang utak ko para huminto na ito sa pag-alala ng naging usapan namin ni Llyod kanina ay pinatay ko na agad 'yun.
Pero hindi. Wala. At hindi ko maawat ang utak ko sa pag-alala ng pananakit na ginawa ko sa isang lalaking walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako nang buong puso.
"You're more than just a friend to me. And God knows I did try to return your feelings. But I just can't And I think I can never will. Hindi kita kayang mahalin na gaya nang pagmamahal na nararamdaman mo."
"P'wede bang 'wag mo na akong paasahin pa, Hanna? Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin na hindi mo ko mahal? Bakit ba lagi mo na lang akong pinapaasa na may pag-asa ako sa'yo kahit wala naman talaga?"
Parang sobrang bagal ng pagtaas ng elevator na sinasakyan ko ngayon. Na parang mas pinapatagal lang ng mga alaala na nasa utak ko 'yung takbo ng oras na mayroon ako ngayon.
"No, Llyod. I love you."
"But you love Viel more, right?"
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...