Chapter 16: Unexpected Visit
Hanna's P.O.V
"Musta?"
Nagulat ako nang makita kung sino ang bisita namin. Mukhang parehas yata kami ng reaksyon ni Viel dahil hanggang ngayon, hindi pa din sya nagsasalita ng kahit ano.
"Tuloy na ako ah?" sabi nya sabay daan sa gitna naming dalawa ni Viel at pumasok na sa loob ng bahay namin.
Napasunod ako ng tingin sa kanya. Nakita ko syang kampanteng naupo doon sa may sofa namin sa sala sabay napapatingin sa buong paligid ng bahay.
"Ganda ng bahay nyo ah? Malaki!" nakangiting harap nya sa akin. "Sya nga pala Hanna dinalhan kita ng paborito mo..." dugtong nya sabay angat ng box na dala nya.
"Ano bang ginagawa mo dito Llyod?!" sa wakas nagsalita na din si Viel saka sya inis na lumapit sa bisita namin. "Umalis ka na nga!"
"Kakarating ko lang tapos papaalisin mo na agad ako?"
"Bakit? Ano bang gagawin mo dito?!" sabi ni Viel.
Pinanuod ko na lang silang dalawa sa 'pag-uusap' nila. Nagulat pa din kasi ako sa biglang pagbisita sa amin ni Llyod eh. Ang huling kita ko pa sa kanya ay nung kasal namin and after that...wala na. Ni hindi nga sya nagtagal doon sa kasal namin eh!
And somehow, nakokonsensya pa din ako sa naging ending namin ni Llyod.
Wala naman akong maipipintas sa kanya. Naging mabait na sya boyfriend sa akin noong kami pa. Napakaalaga pa. Idagdag na natin na gwapo sya at mayaman at sikat sa eskwelahan.
Kaya lang, sabi nga nila, hindi mo mapipilit ang puso ng isang tao.
Pero minsan, napapaisip ako, paano kaya kung hindi bumalik at nagpakita si Viel? Ano kayang mangyayari sa amin?
"Binibisita ko kayo. Ano pa ba?" bagot na sabi ni Llyod.
"Kami? Baka si Hanna lang kamo!" inis na sagot naman ni Viel.
Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa, nakikita ko na kung bakit at paano sila naging magbest friend noon.
Parehas kasi silang mainitin ang ulo.
"Eh alam mo naman pala eh! Nagtatanong ka pa?!" inis na sabi ni Llyod sabay tayo at hinarap si Viel.
"Di ka talaga titigil ano?!" sabi naman ni Viel sabay kiniwelyuhan si Llyod. "Mag-asawa na kami ni Hanna!"
"And so?" cool na sabi nya sabay alis nung kamay ni Viel sa kwelyo ng damit nya. "Maghihiwalay din naman kayo eh!"
"ANO?!"
Bago pa magsapakan at magbugbugan yung dalawa, pumagitna na ako sa kanila.
"Para kayong mga bata!" saway ko sa dalawa sabay nilayo si Viel kay Llyod. "Viel, bisita natin sya. At yung bisita, inaasikaso, hindi binubugbog."
"Pero Hanna—"
"Viel!"
Tinitigan na lang ng masama ni Viel si Llyod saka sya umalis at umakyat sa taas.
Mukhang nagalit ko yata sya.
"Pasenysa ka na Llyod..." sabi ko sabay harap sa kanya. "Masama lang gising nya."
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...