Chapter 35: The King's Game

19K 492 86
                                    

Chapter 35: The King's Game

Hanna's POV

I feel so refresh na masabi sa kuya ko ang lahat. No more inhibitions and secrets. No more guilt feeling na itinago ko sa kanya ang lahat nang nangyari sa akin for the past three years of my life.

Si Kuya na lang ang meron ako ngayon-and of course my Dad, Llyod and my little angel Arianna. Sila na lang ang meron ako ngayon. Sila na lang ang makakapitan ko at masaya na ako na kahit sila na lang ang nasa tabi ngayon.

Kahit wala si Viel.

All those years na magkasama kami naging dependent ako sa kanya. Na wala na akong naging laban sa sarili kong problema nang walang hinihinging tulong at suporta sa kanya.

I won't say I am a stronger woman now but I am Viel-Dependent free. I am free from him...

Sad and still guilty.

Seeing him again brings too good to be real again nostalgia.

The what if, the when would it be and another questions of how our love gone wrong.

Tama pala talaga sila na hindi lang sapat na mahal mo ang isang tao

Love is really not enough. You also need strength and courage to fight for what you believe in, for what truly makes you happy.

Not committing another mistake to the previous mistake.

That was my fault. And I can never go back to the time where everything wrong can be right again. Wala ng gano'n.

Wala ng gano'n para sa amin ni Viel.

It's over... three years ago.

"Mama Hanna!"

Napalingon ako sa direksyon ni Renji nang tawagin niya ako.

"Can you please cut it out?"

"Ano? Hindi ko naintindihan. Tagalog lang po please," sabi niya sabay tawa.

Sometimes I really do envy Renji.

Lagi na lang siyang nakatawa. Lagi na lang syang masaya na para bang siya lang yung kaisa-isang tao sa mundo na walang dinadala na problema.

"Nevermind," sagot ko na lang sa sinabi niya. "Paano mo nagagawa 'yan, Renji?"

"Nagagawa ang alin, Mama Hanna?"

"'Yung 'yan. 'Yung laging masaya? Bakit ba lagi kang masaya?"

"Wala kasi akong love life!" mabilis na sagot niya sabay tawa nang malakas. "Mamaya mo na ako tsimisin, Mama Hanna. Baka mahuli na tayo," dagdag pa niya sabay hila sa isang kamay ko.

"Teka lang! Teka! Saan mo ko dadalhin?"

Ang bilis ng mga hakbang niya na halos hindi ko na masundan.

Ito ang nakakainis sa mga lalaki minsan eh. Ang bibilis nilang maglakad. Ang lalaki nilang humakbang. Kaya kaming mga babae hirap na hirap umagapay sa kanila kapag naglalakad nang magkasama.

Hanggang sa makalabas na kami ng mansyon ng mga Villafuerte, hindi pa rin nagsasalita si Renji. Puro na lang 'Basta!' ang sinasagot niya sa akin kaya sa bandang huli, ako na rin ang sumuko na magtanong sa kanya.

"Nandito na tayo!" sabi niya saka kami huminto sa tapat ng isang green house.

"Anong gagawin natin d'yan?"

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon