Sorry for the typos. Happy reading! Leave comments!
Chapter 34: Reunion
Hanna's POV
Bigla akong nagising nang wala sa oras nang bigla ko na lang marinig ang intercom ng isang flight steward na nagsasabi na nakababa na ang eroplanong sinasakyan namin sa may NAIA at sinasabi niya kami na 'wag kalimutang ang mga gamit na dala namin at iba pang arrival necessities.
"Paano ako nagkaroon ng kumot?" taking tanong ko sa sarili ko nang makita ko ang sarili ko na nababalutan ng isang makapal na blanket.
Agad akong napalingon sa tabi ko pero na-disappoint lang ako na wala na pala akong katabi ngayon at nakatayo na pala ito at mukhang papalabas na.
Viel.
Mabigat akong napabuntong-hininga saka ako tumayo at inasikaso na rin ang sarili ko.
Stop it, Hanna. Tama na. He doesn't care about you anymore. Ito ang pinili mong desisyon. Move on!
"MAMA HANNA!"
Nagulat ako maging ang mga kasabayan ko na lumabas na mga pasahero sa malakas na pagsigaw na iyon ni Renji.
I know it's him kahit na medyo malayo pa ako sa kanya. And the placard he brought with my big name on it—with picture!—was enough para masiguro ko na siya na nga 'yong lalaking kaway nang kaway sa 'di kalayuan at malakas na tinatawag ang pangalan ko.
Napapatingin na lang sa akin ang mga pasahero na at iba pang tao sa airport. Ang iba pa nga sila ay natatawa na lang.
Damn! Nakakainis! Kakauwi ko lang pero parang wala na akong mukhang maihaharap sa mga tao!
"Mama Hanna! Aba! Ang ganda-ganda natin ngayon—"
"Please, Renji. Ibaba mo na 'yang hawak mo," madiing bulong ko sa kanya sabay tingin sa paligid. "Nakakahiya na."
"Hala! Bakit ka naman mahihiya? Pinagpuyatan ko 'to ah! Hirap na hirap akong gawin 'to tapos ikakahiya mo lang? Mama Hanna hindi kita pinalaking ganyan ah!"
Napabuntong-hininga na lang ako sabay napatampal ako sa noo ko sa walang humpay na pangongonsensya sa akin ni Renji.
"Alright. Fine. I appreciate your effort. Maraming salamat—"
"Bespren! Welcome back!"
Bigla akong natigilan nang sabihin iyon ni Renji at nang may maramdaman akong presensya sa likuran ko.
I know it's him. It's him. Siya lang naman ang nagbibigay ng kakatuwang pakiramdam na ito sa akin whenever he's near.
"Uy! Sabay pa kayo dumating! Destiny ba ito?" kunwari'y kinikilig na sabi ni Renji.
"Destiny doesn't exist. Walang ibang ibibigay ang paniniwala mo sa bagay na 'yon kundi sakit."
"Aba! Ang lalim ng pinaghugutan no'ng quotes na iyon ah? Anong mayroon? May pinagdadaanan ka, bespren?"
Hindi na ako nagsalita nang magtama ang mga braso namin ni Viel dahil dumaan siya sa tabi ko at nilagpasan na si Renji saka dumerecho sa isang sasakyan 'di kalayuan sa pwesto namin na sa tingin ko ay ang sasakyan namin papunta sa kung saan man.
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...