Chapter 41: RESET

20.1K 525 96
                                    

Pagpasensyahan ang typos guys. Happy reading! ^^

Chapter 41: RESET

Hanna's POV

"BAKIT MO ko dinala dito, Viel?"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong nakatayo na naman ako sa tapat ng bahay na nakasaksi sa lahat.

Sa pagbabalikan namin ni Viel when I left him four years ago, 'yung bahay na plinano namin kung saan namin sisimulan 'yung magiging pamilya sana namin at 'yung bahay na matagal ng binili ni Viel para sa akin noon pang mga panahong wala ako sa tabi niya.

And this was the same house where I got to know the truth. The truth behind his past and secrets. The house that I left that lead me to this complicated situation.

And now I am thinking, if I haven't left this house more than three years ago, if I tried to listen to Viel, will things between us be less complicated?

"At bakit naman kita hindi dadalhin dito?" sagot niya sa akin saka ko naramdaman na nakatingin na rin siya sa akin. "This is your house. Our house. Our home. May iba ka pa bang lugar na dapat uwian?"

"Look, Viel," sabi ko saka humarap na rin sa kanya. "I missed my flight thinking that you really have an accident pero hindi naman. You seems fine now. Saka hinihintay ako nila Kuya at ng anak ko—"

"Bakit ako hindi ba?" biglang naging malamlam ang tingin ni Viel sa akin.

Like he's about to cry pero hindi. Like he's about to confess his feelings to me once again pero parang hindi rin naman.

All that's clear to me is the longing that I can see to his eyes while mirroring mine.

"Hindi ba kita hinihintay, Hanna?" sabi niya saka tinawid 'yung napakaliit na espasyo sa pagitan naming dalawa. "Sila lang ba ang naghihintay sa'yo? What about me? Naisip mo ba na posible rin akong naghihintay sa'yo?"

Sandali akong nalunod sa mga tingin niya saka sa kamay niya na marahang nakahawak na ngayon sa isang pisngi ko.

"I thought you're mad at me," nasabi ko mula sa kung saan. "Viel, you know our situation. Hindi dapat natin ginagawa 'to."

"Mahal mo ba ako, Hanna?"

"Viel. I told you—"

"Do you still love me, Hanna?" mahinang sabi niya sa akin habang hindi inaalis ang tingin niya sa buong mukha ko. "Kasi ako, oo. Mahal pa rin kita, Hanna. Mahal na mahal pa rin kita. At kahit ilang beses ko pang subukan na magalit sa'yo, mas nangingibabaw pa rin 'yung pagmamahal ko sa'yo."

"Viel..."

"I miss you, Hanna," sabi niya saka dahan-dahang inilapat ang labi niya sa noo ko bago niya ulit sinalubong ang tingin ko. "I really miss you so much."

Medyo nagulat ako nang bigla na lang niya ako hapitan palapit sa kanya para sa isang napakahigpit na yakap. Yakap na mas mahigpit pa sa ginawa niya kanina nang makita ko siya sa tabi ng bumanggang sasakyan nito.

At mukhang ito na yata 'yung pinakamahigpit na yakap na nakuha ko mula sa kanya sa buong panahon na nagkasama kami.

"Viel, bitawan mo ko. Mali 'to."

"I don't care," sabi niya saka mas hinigpitan pa 'yung yakap sa akin. "Wala akong pakealam kung mali 'to," dagdag pa niya saka niya ako binitawan para naman makahinga ako kahit papaano mula sa mahihigpit n'yang yakap. "Saka kailan pa naging mali 'yung nararamdaman ko sa'yo, Hanna? Kailan pa naging mali 'to."

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon