Chapter 33: Back to the Philippines
Hanna's POV
"SAY bye to Mommy, baby," sabi ni Llyod doon anak namin na buhat-buhat niya habang ako naman ay naglalaro sa kamay ng anak namin.
"Mama!"
Napangiti ako sa anak ko nang bigla niya akong yakapin sa leeg saka siya lumayo sa akin para laruin 'yong mukha ni Llyod.
Napatingin muna ako sandali kay Arianna saka ako napatingin sa mukha ni Llyod.
"Sigurado ka talagang papaalisin mo ako?" nagdadalawang-isip na sabi ko. "You know, Llyod, you don't need to push yourself. Kung gusto mo naman na hindi ako aalis, hindi naman ako aalis eh."
"Hanna," sabi niya sabay nginitian ang anak namin senyales para sandali munang bitawan ng anak namin 'yong mukha niya. "Sige na. Umalis ka na. Napag-usapan na natin 'to kahapon 'di ba?"
"Pero..."
"Just go," sabi niya saka niya kinuha 'yong isang kamay ko gamit ang isang kamay niya na hindi nakahawak kay Arianna saka niya iyon marahang pinisil. "Talk to them. Say hi to them. Kumusta mo Kuya mo. Hindi ka pa ba napapagod na magsinungaling sa Kuya mo tungkol sa atin? O baka naman..."
"Baka naman?"
"Baka naman wala ka talagang balak ipaalam sa kanya ang tungkol sa atin," sabi niya sabay layo ng tingin niya sa mga mata ko.
"Llyod..."
Dahan-dahan kong inikot ang mga braso ko sa baywang niya para yakapin siya habang nasa gitna namin si Arianna na tuwang-tuwa sa hindi malamang dahilan.
"Sorry for keeping you in the dark," sabi ko habang marahang nakasandal ang pisngi ko sa likod ni Arianna. "Sasabihin ko na kay Kuya Alex ang lahat 'pag kita namin. Aaminin ko na sa kanya ng tungkol sa atin at sa nangyari sa amin ni... ni Viel dati."
Narinig ako ang marahas na pagbuntong-hininga ni Llyod saka siya na ang kusang nagtulak sa akin palayo sa yakap ko sa kanya.
"Stop concerning yourself to him, Hanna. Kung ano mang gawin ni Xander sa kanya, he deserve it. 'Wag mo na siyang isipin."
Napatingin ulit ako sa mukha niya saka ako naman ngayon ang napabuntong-hininga.
"Okay."
"Mama! Papa!"
Sabay kaming napangiti ni Llyod nang magsalita si Arianna saka namin sabay na hinalikan sa magkabilang pisngi niya ang anak namin.
"Kanina ko pa napapansin na si Arianna na lang laging may kiss sa'yo," kuwari'y nagtatampong sabi ni Llyod. "How about me?"
"Shut up, Llyod," natatawang sabi ko sabay hampas sa braso niya.
"Aww. Baby, your mommy is being cold with Daddy."
At parang naintindihan ni Arianna ang mga nangyayari sa paligid niya kaya bigla na lang itong nagpout sa aming dalawa na parang ginagaya nito 'yong ginawa naming paghalik sa pisngi niya kanina.
"See? Kahit si Arianna gustong humalik ka sa akin."
"Now I'm getting scared sa mga ituturo mo sa anak natin kapag nawala ako ng ilang araw."
Llyod flashed a wide, boyish grin like he used to do before saka niya dahan-dahang nilapag si Arianna sa stroller nito saka niya ako ulit hinarap at iniyakap ang mga braso niya sa baywang ko.
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...