[EXTENDED] Chapter 69: Reunion

17.2K 409 44
                                    


Chapter 69: Reunion

Hanna's POV

HINDI KO inakala na makikita ko ulit siya at sa hindi pa inaasahang araw.

Kanina ko pa naiisip kung kagagawan na naman ba 'to ni Renji o sadyang nagdesisyon na si Viel na bumalik sa Pilipinas matapos ng isang taon nitong pagkawala.

Palihim ko siyang nilingon habang nakatutok lang ang atensyon nito doon sa pagmamaneho nito.

Papunta na kami ngayon sa restaurant kung saan nandoon ang mga kaibigan namin para i-celebrate ang birthday ko ngayong taon.

Madaming tanong at bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon pero wala ni isa sa kanila ang nagawang lumabas sa bibig ko para magtanong kay Viel.

Siguro sa dulo ng isip ko, wala na akong pakialam kung masagot man ang mga tanong na iyon o hindi.

Basta ang mahalaga lang sa akin ngayon ay kasama ko na siya ulit. Nandito na siya ulit sa tabi ko at ligtas siya at mukha namang walang ginawang masama sa kanya ang Mama niya.

Base na rin kasi sa naging kwento sa akin ni Renji noon, talagang malupit na magulang ang Mama ni Viel na si Margox Arvueva na tipong maging sila Renji at iba pa ay ilag sa kanya.

But it doesn't matter to me now.

Viel is here. Iyon lang ang mahalaga.

"Pasensya ka na sa panloloko na naman sa'yo ni Renji," nagulat ako nang biglang magsalita si Viel saka siya lumingin sa akin. "Alam mo naman 'yon. Madaming kalokohan sa buhay. Kaya ikaw na lang ang magpasensya sa kanya."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'to o sadyang mas naging lalaking-lalaki ang boses ni Viel.

Like he's someone manlier. Someone who possess the same face of the man I fell in love with yet seems way different.

Marahan kong iniling-iling ang ulo ko para alisin ang bagay na iyon sa utak ko.

Viel is still Viel, Hanna. Isang taon lang ang lumipas. Isang taon lang ang nawala. Kaya 'wag mo siyang pag-iisipan ng kung ano-ano, okay? kastigo ko sa sarili ko.

"Kumusta ka naman, Hanna?" tanong niya ulit sa akin pero ngayon ay nasa manibela na ulit ang atensyon niya. "I hope you're doing well?"

"Ikaw dapat ang tinatanong ko n'yan, Viel."

Biglang huminto ang sasakyan namin sa may intersection nang biglang magpula ang ilaw sa stoplight saka niya ako muling nilingon.

"What happened in Maldives, Viel? Anong nangyari sa'yo sa nakalipas na isang taon?"

Matagal lang nakatingin sa akin si Viel na tila ba binabasa ang pag-aalala at pangungulila sa mata ko. At gaya ko, gano'n din ang sumasalamin sa mata niya.

We terribly miss each other so much.

Inabot ni Viel ang pisngi ko saka niya marahang hinaplos iyon. At hindi ko maiwasang maipikit ang mga mata ko habang ginagawa niya iyon.

I miss his warmth. I miss his touch. I miss his deep voice.

I miss everything about you, Viel.

"I'm fine, Hanna. Wala kang dapat ipag-alala sa akin."

Muli kong dinilat ang mga mata ko para salubungin ang mga tingin niya at para magtanong kung anong ibig sabihin ng matipid niyang sagot na iyon.

"What do you mean?"

"Pag-uusapan natin mamaya ang tungkol sa tanong mo," sabi niya saka muling pinaandar ng sasakyan. "Sa ngayon, gusto ko lang muna ng tahimik na selebrasyon para sa birthday mo. I just want to spend this night with you and you alone."

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon