Chapter 37: Confess

19.3K 516 106
                                    

Sorry for typos. Happy reading!

Chapter 37: Confess

Viel's POV

I DIDN'T mean to kiss her. I didn't mean to stalk her. I didn't mean to burst my anger at her. I didn't mean to make her cry. I didn't mean to sleep with her. I didn't mean to hold her tight.

Pero anong magagawa ko? Paano ko mapipigilan ang sarili ko kung may isang boses sa loob ko, sa utak ko, na nag-uutos sa akin na habulin siya? Na halikan siya? Na hawakan siya nang mahigpit?

Na mahalin siya nang sobra-sobra?

"Sasaktan mo na naman ako," mahinang sabi ko habang pinapanood ko si Hanna na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko kahit na umaga na.

Wala sa loob na bigla na lang gumalaw ang mga daliri ko saka ko hinaplos ang buhok niya saka sinundan ng daliri ko ang bawat bahagi ng mukha niya.

"Pero ikaw lang din ang nagpapasaya sa akin. At lolokohin ko na naman ang sarili ko kapag sinabi ko na hindi na kita gusto. Na hindi na kita mahal. Na matagal nang nawala 'yung Viel na patay na patay sa'yo noon."

Ako pa rin 'to. Ako pa rin 'yung lalaking gagong-gagong nagmamahal sa babae na 'to. Ako pa rin 'yung lalaking tanga na habol nang habol na parang aso sa isang babae na parati naman akong sinasaktan.

Ako pa rin 'yung Viel na sobrang mahal na mahal si Hanna at wala na yatang ibang alam gawin sa buhay kundi ang mahalin si Hanna.

"Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to, Hanna? Ano bang ginagawa mo sa akin?"

She can fix me in a minute, even seconds. And she can also destroy me in a blink of an eye.

"Kaya kitang patawarin sa isang sorry mo lang, Hanna. At kaya rin kitang mahalin sa isang I love you mo lang," mahinang bulong ko sa kanya mas lalo para sa sarili ko saka ko marahang dinampi ang labi ko sa noo niya saka ko siya muling tinitigan sa mukha. "Sabihin mo lang ulit Hanna na mahal mo ko. Na mahal mo pa rin ako at walang nagbago sa'yo. Sabihin mo lang na mahal mo pa rin ako at mamahalin ulit kita nang buong-buo. Isang sabi mo lang, iaalay ko ulit sa'yo ang buong buhay ko."

Nagsinungaling ako sa kanya. Lahat ng pinagsasabi ko sa kanya tungkol sa nararandaman kong nawalang pagmamahal sa kanya ay isang malaking kasinungalingan.

Mahal na mahal ko pa rin siya. At kahit kailan, ilang taon pa ang lumipas, ilang metro ng lupa at lalim pa ng dagat ang maglayo sa amin, mahal ko pa rin siya.

Sa tatlong taon na nagkahiwalay kami, isang taon doon ang hinintay ko para makahanap ng tyempo na makalapit ulit sa kanya, para makita siya, para makausap siya. O kahit na simpleng makanakaw lang ng tingin sa kanya.

Sa tulong ni Renji at mga koneksyon niya, nahanap ko si Hanna.

Oo. Alam ko. Inuulit ko na naman 'yung katangahan na ginawa ko noon. Kahit si Renji at mga kaibigan ko tutol sa ginawa ko.

Pero wala ni isa sa kanila ang nakapigil sa akin na makita ulit si Hanna. Na mahanap ulit siya.

At sa loob ng isang taon na 'yun ay malaking pahirap sa akin.

Nasasaktan ako na makita siyang naging masaya sa buhay niya kasama si Llyod. Nasasaktan ako na makita siyang mas masaya kasama ang iba kaysa no'ng nagsasama pa kami.

Alam kong masakit at alam ko sa sarili ko na mangyayari ito. Na sa bandang huli, kay Llyod ang punta ni Hanna. Na siya lang ang may kayang magpasaya at magpangiti nang gano'n kay Hanna.

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon